Dahil sa kaartehan ko at pagiging trying hard, ambitious ba, ay pinagpilitan kong magsulat sa wikang ingles kahit hindi naman talaga ako matatas magsalita nun. Ayan tuloy, makalipas ang 10 buwan mula ng ginawa ko itong blog na toh, wala pang sampu yung nasusulat kong posts nyahahaha!. Mukhang hindi pa aabutin ng first anniversary eh matsutsugi na! Pahirapan talaga yung pagdedesisyon ko kung gagawin ko ng tagalog ito. Pero matapos ang limang minutong pag-iisip at pagmumuni-muni, napagpasyahan ko na tagalog na lng ang mga isusulat ko dito. Basta yung tatlong iba pa, english yun! Mi hindi ko nga matandaan kung saan ko nakuha yung pamagat nitong Manila Street. Buset. Basta nung bumili ako ng domain ay nagpapasa ako ng resume sa Jobstreet nun kaya bigla ko na lng naisip “ay ako din gusto ko merong street” kaya ayun. Wala lang, naisp ko lng. At tsaka, mabuti na din siguro ito, at least meron akong isang blog na hindi ko pwede i-submit sa PPP mwahaha! Baka naman masyado na akong yumaman nyan, wag ganun HIHIHI! Alam ko na, lalagyan ko na lng ng widget na language traslator dun sa sidebar. Meron na akong nakitang ganun sa ibang blog eh. Tsaka, parang wala namang nagbabasa nitong mga kasulatan ko dito kaya ayos lng kahit anong maisipan kong ilagay dito. Para mas masaya, iku-kwento ko na lng yung buhay ko simula nung pinanganak ako hanggang sa maging tao ako. Parang evolution ba HAHAHA! Ayan siguro naman makakapa-post na ako nang mas marami nito. Hindi ko na kelangang pag-isipan yung grammar at spelling, toinks! Sa totoo lng kasi, duguan na yung utak ko dun sa iba kong blogs! At least ngayon, tanggap ko na. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga friends kong bloggers
Tagalog na po …
March 3, 2010