Abakada Sabado – Sa Letrang A

A as in Alam ko po hindi Sabado ngayon, pero pagbigyan niyo na ako HAHA! Mas marami kasi akong ginagawa kapag Sabado at Linggo kaya malabo na makapagsulat ako para sa mga blogs ko. Katatapos ko lng mag-register kay Mister Linky at sa totoo lng wala akong maintindihan :) Para saan ba yun? Sa titik A Aaminin ko ang hirap nitong meme na ito ayoko kasi maglagay ng piktyur mwahahaaha! Pero dahil wala naman akong maisip na madaling isulat, meron pero masyadong personal, sasali na lng ako sa masayang pakulo ni Miss Ruthi. Hehe. Pero ano nga ba ang pinagmamalaki ko bilang Pinoy na nagsisimula sa titik A? Mmmmm.

Para sa letrang A Awit. Pinagmamalaki ko na maraming magandang awitin dito sa Pilipinas. Lalo na yung mga awit para sa pag-ibig. Ang gaganda talaga. Tulad nito:

Hanggang

Ilang ulit mo nang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan, hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,

Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daig-dig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ika’y iniibig

Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin,
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Atin-atin lang ito ha. Noong bata pa ako, nangarap din akong maging composer. Mabuti na lng at maaga kong napagtanto na wala akong talent. Wala lng ma-share lang :)

Walang Buto

Hindi ko alam kung mahina lang talaga ang loob ko o baliw lang talaga ako. Noong nakaraang taon kasi, nagkaron ng internal hiring for a higher position sa kumpanya namin. Ang maganda dito, back to square one lahat ng gustong mag-apply kaya may chance ako. Hindi na nila sisilipin kung sandamakmak yung tardiness ko sa records. Equal opportunity para sa lahat, ika nga. Gustong-gusto ko mag-apply. Pangarap ko talaga maging Production Editor (isa sa napakarami, ambitious nga eh!).  Ang problema nahihiya akong ipaalam sa lahat, lalo na sa superior ko, na gusto ko ng improvement. Na ayoko maging rank and file employee for the rest of my life. Kaso hindi ko talaga ma-express. Para bang napakalaking kasalanan pag nalaman nila na naghahangad ako ng mas mataas. Ewan ko ba. Mahiyain lang siguro talaga ako. Pero hindi ako nahihiya dahil wala akong kumpiyansa sa sarili. Sa totoo lang, naniniwala ako na kaya ko yun base sa work experience at training ko. Nahihiya ako dahil alam ko na hindi sila bilib sa kakayahan ko (drama!).

Makalipas ang isang taon, March 2010, nagkaron ulit ng internal hiring for the same position. Gustong-gusto ko ulit mag-apply pero dinaga na naman ako. Mabuti na lang meron akong mga kaibigan na todo suporta sa mga pangarap ko sa buhay. Kaya ayun, lumakas din yung loob ko. Natatawa nga ako sa sarili ko nung binigay ko yung letter of intent. Uwian namin ng 6PM pero 8PM ko pa nasabi sa big boss. Tatlong beses pa akong umatras. Kulang na lng itulak na ako ng kaibigan ko. Sabi pa nya “pag hindi mo pa binigay yan hindi na talaga kita kakausapin!”

Ako: Ma’am busy ka po? (obviously busy talaga siya kaya nga nag-extend)

Boss: Hindi naman. Bakit ano yun? (nakangiti)

Ako: kasi po gusto kong magpasa ng … ganito (sabay abot ng letter of intent, iiyak na)

Boss: Ah oo. Walang problema. Sana kanina mo pa binigay para ma-schedule ka na ng exam :) Bukas na lng ito.

Ako: Ayos lang po. Thank you.

Grabeh. Yun lang pala sasabihin nya. Kung ano-ano na kasi na-imagine ko. Hehe. So ayun, natapos na yung pinakamahirap na parte. Yung exam kasi at interview hindi ako natatakot dun. kahit hindi makapasa basta ang mahalaga, sumubok kesa hindi na talaga.