Nakakahiyang Araw

Sa tuwing nakakakita ako ng mga kakilala sa kalye, sa palengke, sa mall, o kahit saan pa, iniiwasan ko na makita nila ako. Wala lang. Ayoko lang bumati. Weird di ba? Pero oo pinapanindigan ko na ayokong bumati. Hindi dahil mayabang ako kung hindi dahil nahihiya lang talaga ako. Isa pa, hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin depende na lang kung close ko talaga yung tao. Hindi rin ako tumitingin sa mata dahil takot ako dun sa tinatawag na hipnotismo, kung totoo mang may ganun.

Kaya ayun, napahiya pa tuloy ako sa LRT nung isang araw. Kasabay ko pauwi si M. Pasado alas otso na ng gabi kaya maluwag na sa LRT, maraming bakanteng upuan. Pagpasok pa lang namin namataan ko na ang isang pamilyar na mukha. Pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakilala. Shushwal, iniwasan ko agad ng tingin. Pero huli na ang lahat dahil isang sulyap lang nya sa akin binati na agad ako. Nakakailang, tanda niya pa yung pangalan ko pero siya hindi ko na maalala! Napasubo na ako kaya binati ko na syempre, magpapanggap pa ba ako?

Ako: uy! kamusta?

Sya: ayos lang, sino yang kasama mo?

Ako: ay oo nga pala. M si … Ellen. Kaibigan ko sa …

Sya: hoy hindi! hindi ko sya kaibigan hahaha! joke! oo kaibigan tayo di ba? Vargas apelyido mo di ba? o sabi ko na close tayo eh! hahaha!

Ako: san ka nagta-trabaho (iniiba ang usapan)

Sya: wala! wala akong trabaho, isa lang akong dakilang tambay hahaha! nag-asawa ka na?

Ako: wala pa :) ikaw?

Siya: ikaw talaga gaya-gaya ka! haha ayoko pa nuh! problema lang yan hahahaha!

Ako: hehe

Maya-maya pa, bumaba na sya sa Sta. Cruz Station. Kaswal naman na nagpaalam. Hiyang-hiya ako. Mali yung nasabi kong pangalan nya. Aileen hindi Ellen! At hindi ko siya kaibigan, schoolmate ko lang siya sa PLM. Hay! Nakakahiya talaga! Magpapakilala na lang mali pa. Malamang nainsulto siya. Kilala nya pa ako tapos siya hindi ko na kilala. Hay, nakakahiya!Habang nasa jeep naman kami ni M:

Ako: bakit? para saan ba?

M: wala, para ano …

Ako: para?

M: paraaa …. para ano

AKo: paraaa … ?

Driver: para? may baba?

Kami: hindi po! wala po! Eink …