Walang maisulat na matino

Ayos pala magsulat sa tagalog ano? Para lang akong lasing na kung ano-ano ang sinasabi. Hindi ko na pinag-iisipan kung ano yung sinusulat ko. Basta type lang nang type. Inorasan ko nga eh, 12 minutes tapos ko na yung more than 500 words na post. Samantalang kung english yan, ten years bago matapos! Haha! In fairness, mabilis na pala ako mag-type ngayon. Pasang-awa kasi ako sa typing class namin nung college. Pano ba naman, kulang-kulang yung mga letra sa type writer na pinagamit sa akin.

Gusto ko sana maglagay ng translator sa sidebar ko. Kaso nung sinubukan ko, hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar. Muntik na nga mabulunan yung mga kaibigan nung sinabi ko sa kanila ito habang kumakain kami sa Sizzling. Hindi ako magaling mag-english. Pero mas lalo namang hindi marunong ang google translator noh! “Kung ano-ano” ginawa nyang “If what-what,” “Ang arte!” naging “The art!” Pero naisip ko din, sa tagalog pa lang mali na yung grammar ko kaya pag-isinalin sa Ingles eh mali na din.

Pero wala akong pakelam. Nag-iisip nga ako ngayon ng paraan para ibalik sa Ingles ang Manila Street. Sayang ang Page Rank 2 kung matetengga lng ito. Meron akong alam na paraan. Pero tinatamad ako. Una muna dapat makagawa ako ng subdomain para sa paglilipatan ko ng mga tagalog posts ko dito. Meron na akong naisp na title “Minsan, may isang gaga” tapos yung subtitle ko ay “Parental Guidance: kids go away!” Marami kasi akong masamang plano kaya dapat hindi mabasa ng mga kabataan ang blog ko.

Naisip ko din, sana pinanindigan ko na lng na photo blog ang Manila Street. Pwede na sa siguro yung 2 mega pixel na camera. Tutal wala naman titingin eh. Kaso lang dapat mai-submit ko pa din ito sa paid-to-blog sites. Syet, 5:41 AM na pala, malapit na silang magising, ako matutulog pa lang. Sabi ng kapatid ko, ang laki na daw ng eye bugs ko. Pero hindi pa naman ako masyadong inaantok eh. Na-inspire pa nga ako magsulat ng kwentong pambata. Napadaan kase ako sa National Bookstore at marami akong nakitang children’s books. Naisip ko, kaya ko din magsulat ng ganito. Wala lang, mayabang lang ako. Feeling lang.

Naalala ko tuloy yung kakilala ko. Sabi ba naman nya sa akin: “ayoko talaga sa mga taong walang pangarap sa buhay. Alam mo yan!” Sa isip-isip ko naman “huh?! pano ko malalaman? eh now mo lang sinabi??!” nakakatawa sya noh? Isa pa syang feeling. Sana magsalita sya ng ganyan kapag successful na sya. Pero wala din akong pakelam, buhay nya yan eh. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kumita sa mga blogs ko at may mag-hire naman sa akin na matino sa odesk. Hay lapit na birthday ko. Batiin nyo ako para hindi ako masyadong malungkot. Thanks!