I’m a fan of Korean Actors

Sana Korean na lang ako. Ayoko nang maging Filipina kasi wala namang gwapo dito sa Pinas maski isa. Tama. Lahat sila shokoy! JOKE! Hehe. Hindi naman. Marami namang gwapo. Hindi lang nila ako pinapansin kaya nagda-drama ako :) Bitterness?! Haha.

Pero kung halimbawa bukod sa pagiging Filipina, pwede pa akong pumili ng isa pang nationality, pipiliin ko maging Korean. Sa palagay ko kasi sila ang pina-romantikong tao sa buong mundo. Personal na opinyon ko lang naman base sa mga pelikula at mga teleserye nila na napanood ko. Nasasalamin kasi sa mga istorya nila yung kultura nila tungkol sa pamilya, kaibigan at pag-ibig.

Bukod sa nakaka-aliw yung mga Korean soap operas, ay napaka-gwapo pa ng mga bidang artista hihihi. Promise! Gwapo na, matangkad pa!

Pero bukod sa mga cute na leading men, ay natutuwa talaga ako sa mga awitin nila. Alam mo yun, hindi ko naman naiintindihan pero ang sarap pakinggan. Parang ang lambing. Ni-research ko pa nga sa Google ang meaning ng kanta na yan. Ang title ay Love you. Ang galing di ba? Napansin ko kasi sa mga theme songs nila, meron kaunting ingles yung lyrics palagi. Interesting din yung English translation. Medyo hindi ako satisfied sa grammar kasi parang hindi ko maintindihan? Pero tagos sa puso yung meaning, mahina lang talaga ako sa ingles. Introduction pa lang, napakalalim na ng sinasabi:

I keep smelling the fragrance of promise
I guess the wind that swept by you is passing by my side right now
Maybe it’s a sunshine in my heart that shines on only you
It even embraces the painful scars

Alam mo ba, kung bakit super crush ko yung mga Korean actors? Kasi sa mga palabas nila wala yung mga eksena na nabuntis yung babae nang wala sa oras. Nakakairita na kasi yung mga ganung eksena eh. Basta, napaka-wholesome ng mga palabas nila. At higit sa lahat parang ang sarap nila humalik. Hay. Kids go away.

Isa pa bawat episodes ay halatang pinag-isipan. Hindi tulad dito sa atin na parang pinapahaba na lang yung istorya kasi mataas ang rating. Meron nga akong favorite scene sa Boys over flowers. Napanood mo ba yung episode kung saan sinayaw ni Ji Hoo si Jandi? Nakakatawa kasi, sa isip ng bidang babae “hay, nanaginip na ba ako? pakiramdam ko lumulutang ako sa kalawakan” tapos sa isip-isip naman ng bidang lalaki “mas mabuti siguro kung hindi niya tinatapakan yung sapatos ko.” Hahahaha! Romantic comedy talaga :)

Nagtataka lang ako kasi common denominator sa mga palabas nila ay masungit at suplado ang bidang lalaki. Attractive kaya sa kanila yun? Ako kasi gusto ko strong personality. Pero huwag naman masyado masungit. Pero cute naman yung pagiging masungit nila kaya crush ko talaga Korean Actors forever!

Here is my top 5 Korean teleserye:

  1. All About Eve
  2. Coffee Prince
  3. Boys Over Flowers
  4. Princess Hours
  5. Full House

Sa lahat, si Arthur ng Coffee Prince crush ko talaga :)

Chasing Paris

Ano kaya ang pwede kong gawin para makarating sa bansa ng mga Pranses? Bata pa lang kasi ako, pangarap ko na talaga ang makita ang Eiffel Tower. Meron kasing malaking poster ng Eiffel yung kalaro ko dati noong nasa grade school pa lang ako. Pagkatapos ko makita yun doon na nagsimula ang obsesyon ko na makarating sa ciudad ng pag-ibig. Minsan nga meron akong napanood sa TV, katulong siya sa isang probinsya sa France pero nakakapunta siya sa Paris tuwing day off. Simula nun, pangarap ko na din maging katulong :) Ay baliw? Hahaha. Pero hindi nga. Kung kinakailangang mamasukan akong maid para makarating dun, why not? Malinis na trabaho naman yun ah. At isa pa, kita ko naman sa mga pelikula, malinis at maayos ang mga bahay nila, kaya for sure wala na rin akong kailangang linisin pag dating ko dun. Kung baga eh, sitting pretty na lang ako. Bwahahahaha! Pero wag ka, katulong lang siya dun pero dito sa Pinas, isa siyang Dukesa sa ganda ng napatayo nyang bahay ;)

Mag-ipon kaya ako? Gaano katagal naman kaya bago ko mapag-ipunan ang plane tickets at hotel accomodation sa pagpunta ko dun? Sa pagkakaalam ko kailangan ng show money kung turista. Mga magkano naman kaya? One million? Kung mabubuhay ako hanggang 80 years old, abot pa kaya? Ang swerte naman ng mga American citizens no need na mag-apply for visa. Pero dahil Filipina ako sa palagay madugo ito. Binabasa ko pa lang yung general requirements for France visa application, bagsak na ako hehehe.

GENERAL REQUIREMENTS

Original documents must be presented with a photocopy.
All applicants are required to submit the documents in person on the following order:
Tourist visa application

Signed application for Schengen visa with photo (35mm x 45mm, white background) + 1 extra photo.

Valid passport (3 months’ validity from the end of approved duration stay) and Photocopy of valid and former visas

Cover letter explaining the purpose of your trip as well as dates and places to be visited

Details about the trip :

Proof of accommodations

For tourists: hotel vouchers

If staying with a French resident: Attestation d’accueil + copy of that host’s national identity card (if EU citizen) or residence permit (if citizen of a country other than the EU).

Round trip flight ticket booking (please do not purchase your ticket unless your visa is granted).

Complete itinerary with departure and return dates

For family visit, proof of relationship (birth certificate, marriage certificate…)

Proof of employment (if any):

Certificate of employment with monthly salary and leave of absence approved by employer

If self employed: official business registration for current and previous year.

For priests,nuns and missionaries: certificate from the Apostolic Nunciature and guarantee letter from French and Filipino congregation.

Proof of income :

Income tax return from previous year, where applicable

Recent bank certification

Photocopy of the last three months statement of account of the same bank account

Identity / Marital status :

Photocopy of the first page of your valid passport and all relevant obtained visas

If married: photocopy of your mariage contract and birth certificate anthenticated by the NSO

If single: photocopy of your birth certificate authenticated by the NSO

For minors, notarized affidavit from one or both parents if they don’t travel with the child

An international valid worldwide travel insurance (medical expenses and repatriation) for the duration of the visa and valid for all Schengen states.
Minimum coverage should be EUR 30,000.F

For a visa valid 5 to 15 days, insurance policy should cover 30 days.For a visa valid 16 to 30 days, insurance policy should cover 45 days.For a visa valid 31 to 90 days, insurance policy should cover 90 days.

Where to apply:

FRANCE (F)

16/F Pacific Star Bldg

Makati ave cor Sen Gil Puyat ave Makati City

Tel. 857 69 00 – Fax 857 69 51

Setting the appointment

Appointments may be set (1 )by phone (857 69 24) between 2:00pm to 4:00, Mondays thru Thursdays; or (2) via email (visa.ambafrance.manille@gmail.com) Kindly provide the name of the applicant, email address and/or contact number as well as the purpose of the trip. Appointments made through email must be confirmed either by an email reply or a by a phone call from the visa section. Please wait for this confirmation before coming to the embassy.

SOURCE: http://www.ambafrance-ph.org/france_philippines/

Kung mabubuhay ako for the next 50 years, darating kaya ang pagkakataon na makakapunta din ako sa Paris maski isang araw lang? Lord, zge na po … :) Mmmm. Mag-asawa kaya ako ng isang napaka-gwapong Pranses? Ang malaking tanong, magugustuhan naman kaya ako nun? Hihihi. Alam ko na, dapat mag-business na lang ako. Ano naman? Yung tipong make-up at mini-skirt lang ang puhunan tas tatambay lang ako sa Mabini? NYAHAHAHAH! HUY! Easy … joke lang kaya. Seriously, dapat makaipon ako sa blog. Bakit sila kaya nila mag-earn ng 800 dollars a month? Nakakainis sila … hehehe. Kung magagawa ko yun. Pwede na akong mag-ipon ng 600 dollars a month. Yung 200 dollars ay sobra pa sa akin. Siguro mga 10 years lang pwede na ako pumunta sa France. Tama! Ganun ang gagawin ko :)

Okay lang maging mabait

Sabi ng mga tao, ang utang ay utang at dapat bayaran. Ang sabi naman ng tatay ko:

Kung may utang sa iyo ang isang tao, huwag mong gipitin. May mata ang Diyos.

Naniniwala ako na tama ang turo ng tatay ko. Kaya naman siguro lumaki kaming magkakapatid na ayaw nang nangungutang. Hanggat maari, huwag talaga. Kasi parang abala yun sa ibang tao. Biruin mo kelangan pa nila manggipit para makasingil. Pero syemre minsan hindi maiwasan. Hay. Baliw talaga ang mga tao.

Katulad ko, baliw ako eh. Ayaw na ayaw ko umutang. Nakakahiya. Kesehodang wala akong kainin, maglakad ako pauwi, magtiis ako na walang kuryente, basta bawal mangutang. Pero pag ibang tao naman ang mangungutang, hindi naman ako makatanggi. Bukod kasi sa nahihiya ako, madali talaga maawa ang puso ko. O kaya naman, may katangahan lang talaga. Ewan ko ba, halos lahat ng nangutang sa akin, hindi nagbayad.

  1. Kamag-anak na gustong mag-abroad. Pinahiram ko ng halagang limang libo. Nakabalik na galing New Jersey, USA, pero hindi naman ako binayaran. Anak ng tokwa, mataas naman yata ang sahod ng titser sa Amerika, bat hindi ako binayaran? Nagalit tuloy ang nanay ko at tinawagan sa telepono. Ang sabi lang “sa anak mo naman ako may utang, hindi sa iyo.” Nyeta sya.
  2. Kapalmoks 1. Na-holdap daw lahat ng sinahod habang pauwi. Pinahiram ko ng halagang 1,500 pero pagkatapos makuha ang pera, iniwasan na ako. Ano ba yan. Nag-resign na’t lahat-lahat, hindi man lang naka-alala. Maiintindihan ko naman sana kung walang-wala talaga. Kung nagsabi siya eh di sana ako pa mismo ang sumulat ng kwento ng buhay niya sa Maalaala mo kaya.
  3. Kapalmoks 2. Meron lang daw siyang kailangang bilihin. Babayaran din agad kasi wala lang daw siyang dalang cash. Wow ha, so meaning sa house nila maraming cash? Nalimutan lang nya magdala, parang ganon? Pero dahil maganda at sexy ako, pinahiram ko ng kaparehas na halaga kay kapalmoks 1. Five months fast forward, hindi pa din ako binabayaran. Ah ganon ha?! Babayaran pala agad ha! Anong petsa na teh? Magpapasko na!

Pero kahit ganon ang mga eksena sa buhay ko, ayaw ko silang pilitin magbayad. Nahihiya nga ako maningil eh. Intro ko pa lang ng “Ma’am …” sasagot agad ng “ay next payday na lang ha.” Tapos yun, tatango na lang ako. Ayoko mamahiya. Tulad ng ayoko din ng napapahiya. At hindi ko sila boss ha. Lahat ng klase ng tao ultimo janitress, Ma’am at Sir ang tawag ko noh.

Sinabihan nga ako ng kaibigan ko eh, okay lang maging mabait, pero isipin mo din ang sarili mo. Parehas lang kayo nagbabanat ng buto. Ang sa akin lang naman kasi, sana marunong magkusa. Ano bang palagay nila sa akin? Donya? Hello?! Siya nga itong laging may bagong sandals noh! Basta palagi ko na lang iniisip, may mata ang Diyos. Sa isip-isip ko, kung hindi ako mahigpit sa mga taong may utang sa akin, siguro hindi din Niya ako hihigpitan sa mga utang ko sa Kanya :) Check!

Ang tanong ko ngayon, okay lang ba maging maganda?