July 22, 2011.
I should have followed my instinct. But I guess it’s already too late so please allow me to share the entire story from the beginning. But I can’t speak fluent English and I would like to narrate every single detail clearly so I’m going to write in Tagalog.
eniwey, according to Google analytics, zero visitors daw itong Manila Street for the past six months kaya i’m free to nag. walang makakalam
haha!
una muna sa lahat, we were just wearing house clothes when my sister and I went to Divisoria last night. oo. maganda kami. makinis. mukang mayaman. JOKE! nyeta nakapangbahay nga lang kami eh. at mukang kawawa. as in mukang basura. hindi pa nga ako nag-powder. at oiliness yung face ko. kaya naman nakakainis na kami pa yung napag-initan.
pero bago yun. nag-withdraw muna ako ng pera. pambayad sa kuryente, tubig, rent ko sa inuupahan ko, at kung ano-ano pa. tapos nun. niyaya ko yung kapatid ko na pumunta sa night market dun sa may Robinson’s. Bumili lang ako ng t-shirt, belt, mga laruan, tapos kumain ng siomai at iced tea. at niyaya ko na yung kapatid ko na umuwi.
pagdating namin dun sa KP Tower, napansin na namin yung ale na sumabay sa amin sa paglalakad. nung una, naawa ako sa kanya kasi karga-karga nya yung anak nya. naisip ko tuloy, siguro may sakit kasi mga 5 yrs old na yung edad or 6 tapos karga pa? medyo nairita din ako sa kanya kasi palagi kaming nagkakabanggaan. naputikan pa nga ng tsinelas ng anak nya yung damit ko sa kakagitgit nya sa akin.
pero hindi ko inisip na magnanakaw sya. so yun kaya pala easy target kami kasi tanga talaga. ang siste nito, wala akong bulsa. kaya yung pitaka ko pinatago ko sa kapatid ko. kawawa naman yung kapatid ko. siguro nung nahalata nung babae na wala syang mapapala sa akin, yung kapatid ko naman yung dinikitan nang dinikitan.
tapos nun, maya-maya napansin ko na ako na lang mag-isa naglalakad. kaya inantay ko yung kapatid ko. karga ko nga pala yung pamangkin ko na nakatulog na sa balikat ko. antay ko yung kapatid ko. ang tagal. nag-alala na ako. kaya bumalik ako.
tapos nakita ko sya. naiiyak na sya. sabi
“len, yung wallet kinuha nung babae”
“ha? sino?” (lakas ng kabog ng dibdib ko pero pinilit ko maging kalmado)
“yung may kargang bata, yung kasabay natin maglakad”
sa kwento na kapatid ko
ginigitgit nga sya ng walang hiya
panay naman ang iwas nya
kaya lang bigla na lang daw may humarang na lalaki dun sa daraanan nya
kaya napahinto sya
tapos nun naramdaman nya may humila sa bulsa nya
nagulat sya. kinapa nya agad yung pitaka. wala na!
lumingon sya. yung babae agad ang naisip nya kasi yun ang nasa likod nya.
nakita nya yung babae na nakaupo dun sa may gilid ng karoton ng prutas
pero inisip pa din nya na baka nalaglag lang yung wallet
kaso nung nagkatinginan sila nung babae
nagmamadali na bumalik papuntang KP Tower
kinutuban na yung kapatid ko kasi kanina kasabay namin sya palabas ng Divisoria, tapos bigla syang maglalakad pabalik ng KP Tower
hinabol nya ngayon. nung naabutan nya sabi
“ate sino yung kumuha ng wallet?”
kaso may humarang na malaking babae na wala naman sa eksena kanina
galit yung babae sinigawan yung kapatid ko
sabi na lang nung kapatid ko
“ate sino yung nasa likod ko kanina?”
nagalit yung dalawang babae pero sabi yung lalaking nakaitim daw
bigla na silang naging magkakakilala
tapos sabay na silang tumawid papuntang ewan kung anong street yun
basta dun sa may Tabora
nun pa lang ako dumating
naiiyak na yung kapatid ko. naawa nga ako. kasi sa kanya ko pa pinahawak yung pitaka parang sinisi pa nya yung sarili nya tuloy.
ang una kong naisip ay habulin yung babae at kausapin
pero mabuti na lang at hindi nangyari yun dahil ilalagay ko pa yung buhay ng kapatid kong buntis as pamangkin ko sa panganib
ilang minuto din kami nakatayo sa tapat ng KP Tower katapat ng McDo.
Iiyak na talaga yung kapatid ko kaya inakbayan ko agad. yayakapin ko nga sana kaso buhat ko naman si kulit at sa totoo lang sobrang nangangalay na ako nung time na yun kasi ang bigat ng pamangkin ko, at nakatulog na nga sa balikat ko.
sabi ko
“hamo na yun. ang problema nito maglalakad tayo pauwi. tsaka meron pa naman akong pera. ang problema pano ako magwi-withdraw eh andun sa wallet yung ATM. bale magre-reqest na lang ako ng bago. tapos makikiusap na lang ako sa landlady na madedelay yung upa. papayag naman yun. kaya bale wala talagang problema. ang problema lang baka matuklasan ng mga magnanakaw yung pin ng ATM ko tapos kunin nila lahat. ay tatawag na lang ako sa customer service. yun wala talagang problema. ang problema lang wala tayong pamasahe kaya maglalakad tayo pauwi.”
hanggat maari ay pinaramdam ko sa kanya na hindi ko sya sinisisi. buntis pa naman sya at baka biglang mapaanak! pinagalitan ko nga sabi ko, bat hinabol mo pa! maraming bak-ap yun! yun lang ang kinagalit ko sa kanya. pero yung pera. wala yun. 2 days lang yun sa odesk. LOL. joke. 4k ay 4 days ko bubunuin, minsan 5 days pa pag tinatamad ako. hehe. pero hindi mahalaga yun. ang importante ligtas yung kapatid ko at pamangkin ko. ayos lang yung pera. pwede pa mapalitan.
medyo na-trauma ako. aaminin ko. parang wala na pwede pagkatiwalaan. pero hindi naman kami naglakad pauwi. buti na lang may barya sa bulsa ng kapatid ko. kaya ayon
mga reflections? mmmm madame
una, nung bumili ako ng laruan, gusto pa bumili ng mas marami. gusto ko kasi maraming laruan yung mga pamangkin ko para hindi sila maiinggit sa ibang bata. kasi kami nung maliit pa kami, daming laruan. kaya hindi ako nasabik sa barbie, dollhouse, etc. gusto ko sana ganun din lumaki yung mga bata. pero naisip ko nagtitipid ako. kaya sa susunod na lang. tutal, ang dami na din nilang laruan.
pangalawa. nung bumili ako ng t-shirt. pinili ko talaga yung pinakamura kahit hindi ko talaga gusto yung design. ang type ko talaga yung halagang dalawang daan. ayoko ng tag 80 pesos. mabilis na maluma, ang dami pang kaparehas. parang pag pumunta ako ng plaza, lahat ng babae ganun ang suot. pero naisip ko nagtitipid ako.
pangatlo, nung bumili ako ng sinturon, bente pesos lang isa. gusto ko sana bumili ng dalawa kasi matagal ko na balak bumili ng belt. kaso lang ang mahal sa mall. naisip ko bente lang. ang mura, pero isa lang ang binili ko kasi nagtitipid ako.
pang-apat, gusto ko sana bumili ng mug. sabi ng mabait na tindera isang daan na lang daw para sa akin. tapos nagtanong yung isa pang customer, sabi ng tindera 120. LOL. ang daya. nag-isip ako. kerokeropi yung design ang cute. pero para baso lang tapos isang daan? tsaka nagtitipid ako kaya hindi ko binili.
panglima, habang nag-iikot kami naisip ko si judy abbott. hindi tunay na pangalan. stow away sya galing ng pampanga. nababaitan ako sa kanya at naawa. may ni-kwento kasi yung kapatid ko sa akin tungkol sa kanya. wag mo itanong kung ano yun. basta naawa ako. gusto ko sya bilhan ng damit. wala kasi syang damit nanghihiram lang.
ang daming damit sa Divisoria. ang mura lang. meron pa nga tag 35 lang. pwed ko sya bilhan. kaso parang ang yabang ko naman. ako nga konti lang din ang damit ko tas mamimigay pa ako? isa pa, may pamilya ako. dapat pamilya ko unahin ko. at nagtitipid ako di ba?
tang-ina
kung alam ko lang na magkakaganon
hindi na ako magtitipid
shopping kung shopping!
LOL
pag-uwi namin ng bahay, dumating agad ang nanay ko. at pinagalitan ako.
“sabi ko naman kasi wag kayong maglalagay ng pera sa wallet. ihiwalay mo yung pera para kahit madukutan kayo, wala silang mapapala.”
ako naman panay ang ako ko sa responsibilidad
kasi iniiwasan ko na magdamdam yung kapatid kong buntis
kaya sabi ko
“kasalanan ko talaga yun eh! bili-bili pa kasi ako ng t-shirt na walang kwenta.”
sabay abot ng plastic ay judy abbott na madalas nakabuntot sa hipag ko
nahiya pa sya LOL
“hala ate len hindi ako tatanggi”
“sayo na yan. ayoko na makita yang pangit na t-shirt na yan! kung hindi ako nagyaya bumili ng damit hindi sana kami nadukutan, hay nakakainis”
“tsaka hindi naman mahalaga yung pera mabuti nga hindi kami sinaktan eh pano kung may dalang patalim?”
hindi mahalaga yung pera.
tama.
ang mahalaga walang nasaktan. may kasama pa naman kami dalawang baby
yung karga ko at yung nasa loob ng tyan ng kapatid ko.
tsaka kaya ko binigay kay judy abbott yung t-shirt kasi feeling ko para sa kanya talaga yun. wala lang. bale yung pera ko na 4,300, halagang 120 lang na laruan ang nabili ko the rest wala na. yung belt binigay ko na din kay judy abbott. para terno kasi red yun parehas eh
lesson learned? wala
hahaha! joke
daming reflections wala naman pala natutunan
ah
wala talaga eh
siguro mag-ingat
pero alam mo kahit mag-ingat, pag napag-initan ka talaga ng mga mandurukot sa divisoria, wala kang magagawa. bigay mo na lang. kasi madami sila. hindi mo alam yung mga kasabay mo maglakad magkakakilala pala yun. kaya tingin ko talaga, kahit one million pa yang dala mo, ipaubaya mo na. pero kung meron kang powers na lumipad, why not. came hame wave mo sila hahaha!
ah ano pa ba
ayun di pa din ako nakatawag sa bank para ma-deactivate yung ATM ko
hay nakakainis
kukuha pa ako ng replacement
one week pa yun
natatawa nga sila sa akin
dun ako natulog sa bahay ng kapatid ko
kasi nag-alala ako sa kanya, hindi daw sya makakatulog
iisipin nya yung nangyari
sabi ko nga wag na nya isipin
“ako nga hindi ko na iniisip eh. ang nasa isip ko ngayon solusyon”
nakakatawa
pag gising ko kinabukasan
sabi nila nagsasalita daw ako sa pagtulog
“wala na yun, hindi na mababawi yun”
hahaha
wrong
wala na yun
pero mababawi pa
kaya nga eto eh
12:23AM na gising pa ako
til morning ito walang tulugan
buti na lng may odesk
speaking of which
naisip ko i’m so blessed
ang bait ng employer ko sa odesk
pero baka iterminate na din nya ako kasi hindi ako nakakasunod sa deadline
ngayon ko naisip
dapat talaga may ipon ako
dapat magsipag
kasi ang tamad ko eh
akala nila masipag kasi maghapon nakababad sa internet
pero ang totoo
tamad ko talaga
final words?
thank you Lord. okay na ako sa nangyari. malalagpasan ko din ito, basta makarenew lang ako ng ATM back to normal lahat
pero sana naniwala ako sa instinct ko na umuwi ng mas maaga. hay. tama na nga. ayoko ng regrets eh
Babala: iwasan ang mga mag-ina at buntis na pasunod sunod sa yo sa divisoria. malamang sindikato yun kung ang tagal mo syang kasabay maglakad at ginigitgit ka nya. sabi pa ng kapatid kong lalaki, kahit hindi ako bumili ng tshirt, target na talaga ko nung mandurukot. malamang nakita daw ako mag-withdraw.
