Nakakaaliw yung bagong blog na sinusubaybayan ko. Promise! Last week nagka-trangkaso ako so wala akong ginawa kundi basahin yung 6 years posts nya! Isipin mo kung gaano kadaming posts yun simula 2005 hanggang 2011. Grabeh adik talaga ako sa blog nya. Nakakatawa. Minsan nakakaiyak. In other words, entertaining talaga.
Clue. Tungkol yun sa isang Filipina maid sa isang sosyal na bansa sa Europe. Share nya lahat ng experiences nya sa work nya at sa family nya sa Pinas. No holds barred ika nga. Wala syang keber basta chika lang nang chika. Alam mo yung feeling na totoong tao yung nagsasalita sa likod ng blog? Basta. Ganun kasi yung gusto kong basahin eh.
Kwento ko yung summary ng 6 years posts nya ha. Simple lang ang buhay nya dito sa Pinas taga Manila Manila din sya. May asawa at tatlong anak. Kaso nagkaron ng affair yung hubby sa ibang babae. Pinabayaan sila. Kaya ayun para suportahan ang mga anak nagdesisyon sya na mamasukan bilang katulong sa ibang bansa. At least Europe! Daming pera. Haha.
Nakapag-asawa sya ng citizen dun tapos nadala nya yung mga anak nya sa europe so happy ending naman pala
Kaso itong ating bida ay kotrobersyal din. Minsan nakapagsalita sya ng hindi maganda sa isang ethnic group dito sa Pinas. Aba. Sandamakmak yung nagalit. Gusto ng mga tao na i-delete nya yung post na yun at humingi sya ng apology. Mmmm …
Nagulat ako sa respond nya. Parang ganito eh “manigas kayo, walang sorry na magaganap, kung gusto nyo gumawa kayo ng sarili nyong blog at dun kayo magngangawa.” Ang tawa ko talaga. Ka-relate ako dun. Mahigit 300 na tao/comments yung nagdemand ng apology pero nanindigan sya na hindi sya hihingi ng sorry. Astig di ba?
Kung ako naman ang nasa lugar nya, malamang magso-sorry ako. Kasi mali naman talaga sya. LOL. Kaso sa nakita ko parang pride na lang yung nangyari. Aba maski ako magmamatigas din. Ikaw ba naman nagkamali ka pero imbes na tulungan ka itama yung pagkakamali nilait ka pa ng mga “nagmamagaling.” Mga kritik kuno na wala naman ibubuga.
Aba aba aba! Maski sa akin hindi pwede yan. Kung gusto mo akong itama, sabihin mo ng maayos. Ngayon kung hindi mo kaya sabihin ng walang halong panglalait, tsupi! Shooo! Hindi kita kailangan. Bwahahahaha! Kaya naman nakarelate ako sa ating bida. Sabi nya pa, blog nya yun at hindi syang pwedeng diktahan na i-delete yung mga posts nya. Tomoh!
Ang problema naman kasi sa ibang mga Pilipino, masyadong sensitive. Kala mo kung sinong makabayan. Kala mo kung sinong nakikipaglaban sa discrimination. Pero sila mismo mapanglait. Sabi ba naman “Hoy wala kang karapatang laitin ang mga ethnic groups katulong ka lang!” Ganun? So hindi naman masyadong mababa pagtingin nila sa mga katulong??? Hahahaha! Mga baliw.
So yun, ni-chismis ko talaga life nya dito ano? Pero manigas kayo walang link na magaganap. Hahahaha! Ayoko sabihin kung sino sya pero mahuhulaan nyo din yun. Naisip ko lang, kaya ko kaya gawin yung blogging style nya? I mean, sya kasi yung tipong pati problema ng kaibigan, kapitbahay, katrabaho, amo, lahat naka-record sa blog nya. LOL. Hindi ko kaya yun.
Nagsulat na din ako tungkol sa mga mahal ko sa buhay pero yung mga “general” lang. Yung tipong lahat alam naman yun. Pero feeling ko mali na ikwento sa blog yung mga detalye ng buhay ng iba. Kasi kahit ako ayoko makita sa blog ng iba yung buhay ko. Alam mo yun? Nakakainsulto. Malamang world war 3 yan.
Oo tama ka. Nagsulat na ako tungkol sa mga kaibigan ko dati. Pero ang sinulat ko ay yung opinyon nila tungkol sa akin, hindi ko sinulat kung anong klaseng buhay meron sila. Labo ko no? Basta ganun yun sa palagay ko. Kaya naman kung gusto mo follow itong blog ko, magdusa ka! Puro tungkol lang ito sa walang katapusang pag-iinarte ko sa buhay. Hehehe.
Minsan naman naisip ko dapat walang tinatago. Isiwalat lahat. Pero hindi rin. Respect ko pa din privacy ng family ko. Ay artista!?! Hahaha! I mean halimbawa maraming manliligaw nanay ko pero bakit ko naman iba-blog pa kung sino sino yung mga binasted nya? LOL. Dapat ang blog ko ay nakasentro lang sa akin. Ako at ako lang. At syempre pa tungkol sa mga taong kinaiinisan ko. Bwahahaah! Bias!
Manila Manila. Dami sanang pwede i-blog. Interesting din ang buhay namin dito sa iskwater kala mo ba. Kaso ang tanong kasi tama ba na magsulat ako about my friendly neighbors? Lalo na yung mga tsismosa. Palitan ko na lang yung mga pangalan siguro ano? Parang mali pa din
Pero ano naman ang iba-blog ko? Tungkol sa akin. Nako malang habang nagsusulat ako namatay na ako sa sobrang boring.