Doubt is not the opposite of Faith

… that true faith flowers from and through doubt. If you never questioned your beliefs, – you are just a puppet dancing to somebody’s strings. If God had wanted your mindless obedience, you would’ve been created without mind and without free will. But you have both so you can come to God of your own accord. Just look at the lives of saints, – most of them had gone through a dark night of the soul, and that’s why their faith was so strong. The path to true faith always goes through doubt. So ask those questions you’ve always been afraid to ask, and find the answers, and then your faith will become unshakable.

I question everything.

I seek for credibility and authority.

I like Science.

I’m a fan of Philosophy.

I don’t easily believe in people’s “interpretations” and that includes MY OWN.

And yet there are some things that I cannot doubt.

I believe in Christmas.

100%.

I don’t see anything pagan in it.

I haven’t met a Christian, or a Catholic in particular, worshiping the sun in my entire life.

Pagans worship the sun. Christians celebrate the birth of Jesus.

What is the connection between the two?

I believe Christmas is a beautiful celebration.

And it is in fact VERY BIBLICAL.

The virgin gave birth.

Joseph obeyed.

The angels rejoiced.

The prophets foretold.

John the Baptist leaped in his mother’s womb.

A Savior was born!

What is not to celebrate?

How can we not celebrate?

:)

I know it is impossible to calculate the exact date.

But does it matter?

Really?

Prove it.

:)

Please don’t get me wrong.

I am not saying these things to spark a debate.

I have a very deep respect for other people’s faith and beliefs.

But there is a condition.

You also have to respect the things I believe in.

If you can’t engage in a CIVIL discussion, or if you are “brainwashed” then forget about it.

After all, it doesn’t concern me whether you believe in Christmas or not.

I’m pretty sure you have your own reasons.

The only thing that matters to me is that I am one of those many who will rejoice at his birth.

:)

 

Hari ng Tondo

Maganda ito!

The Asiong Salonga Story. Manila Kingpin. Gangsters in Manila. Mafia in Manila.

Love the trailer. Great actors. Nice black and white cinematography.

Live by the gun. Die by the gun.

Entry for Metro Manila Film Festival (MMFF)

Tama ba yung acronym ko?

Hehe.

Trailer pa lang panalo na!

Mahusay na artista si Baron Geisler. Pwede na sya ihilera sa mga bigating artista.

Pinaka magagaling na artista yung kinuha!

George Estregan – bilang Asiong Salonga.

Phillip Salvador

Ping Medina

Baron Geisler

Dennis Padilla

Joko Diaz

Dante Rivero

Jay Manalo

Roi Vinzon

Robert Arevalo

Perla Bautista

John Regala

OST: La Paloma by Ely Buendia lang naman! Gosh :)

Panonoorin ko talaga ang Manila Kingpin :) Para kasing Manila Mafia ang dating. Tapos kasali pa si Carla Abellana. Nag-improve na din yung acting nya para sa akin. Sana kumita sa takilya itong pelikula na ito. Collaboration ito ng mga pinakamahuhusay na artistang Pilipino, tangkilikin natin!

 

Ang nawawalang alaala

Nag-meet kami ng mga classmates ko nung HS for dinner. Okay naman. Masaya. Nagpunta kami sa Mall of Asia. Meron dun parang mga mini-bars dun sa may tabing dagat. Dati pa ito. Now ko lang nalala. Kasi sabi nila nung first year daw, meron akong pinirmahang kontrata. Actually, nakakatawa yung kwento. Palagi kasing nag-aaway dati si Am at si Ba. Kaya para matigil yung madalas nilang sagupaan, verbal lang naman, gumawa sila ng kontrata na hindi na sila mag-uusap maski kelan. Tinawag daw ako ni Am para tumistigo. At pumirma naman ako bilang saksi. Tawa kami nang tawa nung pinag-uusapan namin yun. Pero hindi ko talaga maalala. Sabi pa nila, tuwing mag-aaway yung dalawa, pinapatawag daw ako para i-confirm na existing and binding yung contract. Wala naman yung legal bearing pero nakakatawa lang talaga. Pero bakit hindi ko malala? Sabi ko baka hindi ako. Pero lahat sila sabi ako nga daw ang saksi. Naisip ko tuloy siguro masyado akong nag-dwell sa sad memories kaya parang nakalimutan ko na yung happy memories dati.

Just wait, God is never late

Gusto kong isako ang sarili ko at itapon sa pinakamalalim na parte na dagat. Yung tipong wala nang makakakita sa akin. Nahihiya ako sa sarili ko sa mga katangahan ko.

I’ve always thought this person is maarte and all. Now, I came to know her in a completely different light and realized she’s got an amazing personality. At maka-Diyos pa. You know, the kind who believes in God, but won’t insist that you agree with what she believes in. For me, that is the most admirable trait an individual can ever possess.

Gusto ko yung ganung klase ng tao e. Kaya nyang panindigan yung pananampalataya nya pero alam din nya na dapat nyang irespeto yung pinaniniwalaan ng iba. Yun ang matalinong tao. Hindi makitid ang kukote.

After kasi nung episode ko with the “kulto” parang naglagay ako ng barrier with other religions. Parang I always have to defend my faith.

2 paragraphs deleted … wag na nga idetalye.

Actually, na-trauma ako sa kulto. Pero delete ko na lang. Hindi naman siguro lahat ng members ng so-called kulto na yun ay ganun kasama at ganun ka-walang logic. So for their sake and also my sake, I won’t elaborate.

Going back, this girl is like an angel. Dati ko pa siguro nakikita yun. Ayoko lang admit sa sarili ko na mabait sya kasi hindi kami friends.

Alam mo ba, for the past 13 years, iniiwasan ko sya? Para kasing meron kaming “friction” e. Wala naman kaming pinag-awayan. Basta feeling ko lang hindi ko sya makakasundo.

Ewan ko. Sabi ko pa sa bespren ko, “ang arte naman nun.”

Ngayon gusto ko isako yung sarili ko sa kahihiyan.

Bakit ba nire-resist ko itong tao na ito?

Sinita lang kasi nya ako dati sa isang maliit na bagay at since then, iniwasan ko na sya kaya hindi na nabigyan ng chance na maging magkaibigan kami. Tapos siguro na-sense nya na aloof ako sa kanya, kaya hindi na din nya ako kinaibigan. For more than a decade, komportable na ako na we will never be friends. Parang hanggang acquaintance lang kami talaga.

Tapos isang araw, hindi plano.  Nagkausap lang ng konti. And I instantly had this impression na she’s really a nice and intelligent person. Sweet and very mahinhin. And God-fearing, I must add. Ngayon, gustong-gusto ko sya maging friend. Kaso feeling ko it’s too late. Pano kami magiging magkaibigan? Marami na syang friends at hindi tugma yung lifestyle namin.

But God wants reconciliation, I just don’t know where to start. It took 13 years for me to have a short conversation with her. The conversation was short but I felt her sincerity. I think I am willing to wait another 13 years to start a friendship with her. Kung kasing buti naman nya, why not?

Eto pa, nakakatuwa. Nalaman ko lang kanina, sya pala yung secret love ng crush ko simula nung 15 years old ako! Nakakatuwa lang talaga. Sayang kasal na sa sibil. Sila sana nagkatuluyan …

Mga dapat gawin

For the first time, natapos ko yung deadlines ko last week. Gusto na nila increase yung weekly time limit ko pero hindi ko pa alam. Ayoko pang mag-commit. Natatakot ako mapahiya at mang-disappoint ng tao. Isa pa, madami ako kelangan tapusin. Malapit na mag pasko at egsayted na ako. Baka mamaya, mag commit ako ng time tapos hindi ko naman pala tutuparin.

Anyway, ito ang mga dapat tandaan at kelangan pag-ukulan ng panahon:

  • Deadlines. Staple na ito. Part na ito ng buhay ko. Ito ang pinili kong linya at alam ko na ito din ang gusto ng Diyos para sa akin. Kaya kong magtagumpay dito basta pagbutihan ko lang. Hindi ko naman goal maging next JK Rowling. Kelangan ko lang ng disenteng hanap-buhay.
  • Testing phase. Meron akong bagong project. Di ko pa alam kung seryoso ako dun. Naisip ko baka scam. Pero dapat bukas, the latest, maumpisahan ko na. Kasi hindi ko malalaman kung totoo yun or hindi kung hindi ako magte-take ng risk. Mukang seryoso naman sila. Yun nga lang kuripot.
  • Autoblog. Ito ang bago kong business venture kuno. May idea na ako kung pano gawin yun. Risk ulit. Baka magsayang lang ako ng oras dito. Pero ganun talaga. Sunday, the latest, dapat ma-set up ko na yung software. Try ko kanina, failed e. Basta this week dapat may matapos din ako dun.
  • Medication. Hindi ko na mabilang kung gaano kadaming gamot yung nainom ko. Ang totoo nga nyan, hindi ko tinapos yung medication. Sabi ng doctor one week pa daw ako mag-take ng medicines. Pero ayoko na. Hindi pa ako masyadong magaling. Iinom na lang ako ng multi-vitamins. Bibili ako good for one month. Okay na yun. Hindi pa naman ako mamatay e. Dapat mag-exercise lang ako, water therapy, at vitamins.
  • Invitations. May mga imbetasyon na for reunion at gatherings. Nag-decline agad ako. Gusto ko naman sila makasama. Lalo na yung HS friends. Kaso paano kung may sakit ako sa araw na yun? Ayan. Negative na naman ako. Pero gusto ko magpahinga naman sana. Kaya walang parties for this year. Family lang. At bespren.
  • Christmas. Ano kayang gift ko para sa kanila? Syempre mga pamangkin ko laruan :) Sila lang naman talaga bibigyan ko. Hahahah! Yung nanay ko, make-up set last year. Ano kaya ngayon? Pangarap ko sya bilhan ng diamond set. Wow. Hindi ko naman afford yun. Flowers na lang siguro? Sale kaya. From 1500, 250 na lang! Kaso pag bumili ako today, edi bulok na yun sa pasko?
  • Blogging. Alam mo ba almost $13 na per year ang domain name. Apat ang mini-maintain ko. Plus $60 na web host plan. Magkano na babayaran ko sa May 2012? Waaah! Baka hindi ko na ma-afford. Plano ko pa naman bilhin sana yung www.evediaries.com kaso baka mamulubi na ako nyan. Si Bill Gates ba ang may-ari ng mga domains? Kaya pala ang yaman nya e. Ang daya, dapat one-time payment lang yun. Bakit kelangan yearly? Magsisimula na ako magtabi ng pera para sa in voice ko next year. Mabigat na sa bulsa e.
  • Love is Paris. Sayang naman ito. Hindi ko napag-uukulan ng oras. Wala kasi akong maisip na isulat e. Pero alam ko na, Kukuha ako ng articles about Paris tapos re-write ko na lang. Tama! Baka isipin nila kinopya ko lang? Malalaman naman nila yun kung original or hindi. Ang alam ko kasi sa copyright sa internet, pag ni-rewrite ko ang isang article completely in my own words, akin na yun. Basta dapat walang three consecutive words na kaparehas sa net. Sana mag-work yung plan ko.

Yun lang. Sana magawa ko lahat ng plans ko. Samantala, nahanap ko sa youtube yung tagalog dubbed ng all about eve. http://www.youtube.com/watch?v=nekAal6anRc Naaliw ako sobra :) thanks to mystique2710 for uploading.

S diaries: seduces me


Haaay. Sya na talaga. Ang kabuuan ng aking mga pangarap …

Jang Dong Gun.

Una akong na in love sa kanya sa All About Eve. Ang husay nya kasing artista. Pag nag-deliver sya ng lines, hindi korni. Crush na crush ko talaga sya :)

Fave lines:

“What should you do? It isn’t complicated at all. All you need to do is look into my eyes, and walk straight towards me. Don’t look elsewhere.” *Blush*

“From now on, you can only like me and only think of me. I’m going to do the same.” *Rush heart beat*

“In the future, I’ll never make you say again “Let’s break up.” I promise.” *Faint*

The best talaga yung character na ginampanan nya sa AAE. Tungkol kasi yun sa isang babae na hindi maka get over sa first love nya kahit dumating na yung lalaking totoong nagmamahal sa kanya. Mabuti na lang at handang mag-antay sa kanya si Kenneth (JDG). Sya na ang luckiest girl in the world. San pa sya makakahanap ng ganyan? Hehe. After ten years, sila pa din ang best love team para sa’kin.

Tapos napanood ko ulit si JDG sa isang war movie. Axis of War yata yung title. Sobrang galing din ng pagkakaganap nya dun. Tungkol naman yun sa magkapatid na sundalo, bale si JDG ang gumanap na kuya. Ang lungkot ng story pero maganda. Yung kuya ay pumanig sa North Korea. Yung bunso naman sa South Korea. Tapos nagkita sila sa gera. Nakakaiyak :( Sinipon ako sa pelikula na yun promise.

Pasensya na kung naka yosi sya sa picture na yan. Naaakit lang kasi ako e. Na-emphasized yung ilong nya. Hamo na. Minsan lang naman ako lumandeh so pagbigyan na :P