
Haaay. Sya na talaga. Ang kabuuan ng aking mga pangarap …
Jang Dong Gun.
Una akong na in love sa kanya sa All About Eve. Ang husay nya kasing artista. Pag nag-deliver sya ng lines, hindi korni. Crush na crush ko talaga sya
Fave lines:
“What should you do? It isn’t complicated at all. All you need to do is look into my eyes, and walk straight towards me. Don’t look elsewhere.” *Blush*
“From now on, you can only like me and only think of me. I’m going to do the same.” *Rush heart beat*
“In the future, I’ll never make you say again “Let’s break up.” I promise.” *Faint*
The best talaga yung character na ginampanan nya sa AAE. Tungkol kasi yun sa isang babae na hindi maka get over sa first love nya kahit dumating na yung lalaking totoong nagmamahal sa kanya. Mabuti na lang at handang mag-antay sa kanya si Kenneth (JDG). Sya na ang luckiest girl in the world. San pa sya makakahanap ng ganyan? Hehe. After ten years, sila pa din ang best love team para sa’kin.
Tapos napanood ko ulit si JDG sa isang war movie. Axis of War yata yung title. Sobrang galing din ng pagkakaganap nya dun. Tungkol naman yun sa magkapatid na sundalo, bale si JDG ang gumanap na kuya. Ang lungkot ng story pero maganda. Yung kuya ay pumanig sa North Korea. Yung bunso naman sa South Korea. Tapos nagkita sila sa gera. Nakakaiyak
Sinipon ako sa pelikula na yun promise.
Pasensya na kung naka yosi sya sa picture na yan. Naaakit lang kasi ako e. Na-emphasized yung ilong nya. Hamo na. Minsan lang naman ako lumandeh so pagbigyan na
[...] I have a crush on Jang Dong Gun. LOL. He’s a great Korean actor. I’ve always seen him portray the good roles. He’s always the gentleman. I hope this time, he plays the role of the arrogant and manipulative Vicomte de Valmont. [...]