Ang nawawalang alaala

Nag-meet kami ng mga classmates ko nung HS for dinner. Okay naman. Masaya. Nagpunta kami sa Mall of Asia. Meron dun parang mga mini-bars dun sa may tabing dagat. Dati pa ito. Now ko lang nalala. Kasi sabi nila nung first year daw, meron akong pinirmahang kontrata. Actually, nakakatawa yung kwento. Palagi kasing nag-aaway dati si Am at si Ba. Kaya para matigil yung madalas nilang sagupaan, verbal lang naman, gumawa sila ng kontrata na hindi na sila mag-uusap maski kelan. Tinawag daw ako ni Am para tumistigo. At pumirma naman ako bilang saksi. Tawa kami nang tawa nung pinag-uusapan namin yun. Pero hindi ko talaga maalala. Sabi pa nila, tuwing mag-aaway yung dalawa, pinapatawag daw ako para i-confirm na existing and binding yung contract. Wala naman yung legal bearing pero nakakatawa lang talaga. Pero bakit hindi ko malala? Sabi ko baka hindi ako. Pero lahat sila sabi ako nga daw ang saksi. Naisip ko tuloy siguro masyado akong nag-dwell sa sad memories kaya parang nakalimutan ko na yung happy memories dati.