Nag-usap kami ng pinakamatalik kong kaibigan nung nakaraang linggo. Ganito ang takbo ng usapan:
Ako: Pepe, sa palagay mo saan ako mas magiging masaya? Single o may boyfriend?
Pepe: May boyfriend! Bakit may pumuporma na ba sa iyo?
Ako: Wala. Pero meron akong crush.
Pepe: Crush?! (Tawa sya nang tawa).
Ako: Bakit mo ako tinatawanan?
Pepe: Para kasing hindi ako ang dapat kausap mo tungkol dito. Siya. (Sabay nginuso yung batang babae, 4-5 years old, sa kabilang table). Crush! Pang bata lang yan! Dapat sa iyo, ma-in love.
Ako: Paano kung ang destiny ko talaga ay maging single lang?
Pepe: Hindi ah! Tayong mga Katoliko responsibility natin na hanapin ang magiging partner natin sa buhay. Uulitin ko “responsibility!” Hindi ba alam mo naman yung 7 sacraments? Ano ang last?
Pepe ang tawagan namin ng bespren ko. Married na sya. High school pa kami magkaibigan at mahirap kaming paghiwalayin. Adopted Ballesteros na nga ako kasi palagi akong invited sa lahat ng okasyon sa pamilya nila. Traditional Catholic sila. Yung tipong every 6PM may Angelus sa bahay. Si M lang ang nakakaintindi sa mga kabaliwan ko sa buhay. Kaya naman nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng kaibigan na tulad ni pepe.
Ang totoo nyan, nayayabangan sa akin yung iba kong mga kaibigan kasi palagi kong sinasabi na hindi ko kailangan ng lalaki. Yung isa ko pang close friend, si J, ang favorite expression nya “lalaki ang kelangan ko tol! lalaki!” tapos sesegundahan ko naman ng “basta ako pera!” tapos magtatawanan kami. Sabi ni J sa akin masaya daw magkaboypren. May pag-ibig na, may libreng meryenda pa at kung ano-anong freebies. LOL. Luka-luka yun e. Pero minsan seryoso din kausap. Sabi nya sa akin:
Alam mo, mas mabuti pa na magkamali ka at masaktan ka kaysa hindi mo talaga maranasan magmahal at mahalin. Mas makikilala mo yung sarili mo. I swear!
Aba, nagkaboypren din naman ako ha. Online nga lang. Tipong chat-chat lang. Ganun. Ang buhay ko naman kasi talaga internet. Kaso para kasi sa mga kaibigan ko isa lang yun malaking JOKE. Hindi daw totoo yun. Kaya naman pag tinatanong ako kung nagkaboypren na ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka pagtawanan lang ako. Anyway, minsan kwento ko sa iyo yung mga love advice ni J. Alam mo matatawa ka. Dati sabi nya sa akin:
Ganyan talaga yang mga lalaki. Sa umpisa ituturing kang prinsesa. Susundin lahat ng layaw mo. Pwede mong awayin. Pwede mong sungitan. Naku maniwala ka. Susuyuin ka nun. Pero kung tatanga-tanga ka at sinuko mo agad ang “bataan,” patay ka! Kaya huwag mo agad ibibigay, sinusubukan ka lang nun!
Inang ko po! Basta umarangkada na si J sa usapang “bataan” tawa na kami nang tawa. Brutal kasi magpayo yun e. Sabi nya kabisado daw nya ang mga lalaki. Pero lahat ng sinasabi nya sa akin, tinatanim ko sa isip ko. Kasi alam ko naman na kahit pabiro lang yun, totoo lahat yun. Thankful din ako na kaibigan ko sya. Saan pa ako makakahanap ng girl friend na ang opening line palagi ay “ganyan talaga yang mga lalaki!” Hahaha!
Meron pa akong isang kaibigan. Si B. Super close kami nung high school. Tipong holding hands while walking pa kami. Kaso after ng high school reunion, dumistansya na ako sa kanya. Paiyakin ba ako? Kasalanan ko ba kung wala pa akong asawa? Sya kasi yung nag arrange ng blind date para sa akin dati. Oo nga! Andun na ako. Licensed architect. Mayaman. May kotse. Ang problema hindi ko type. Importante kasi sa akin yung physical attraction. Sayang daw kasi hindi ko binigyan ng chance. So, yun. Bad trip sya sa akin.
Ilang beses na kami nagka-friction ni B pero lagi kaming nagkakaayos. Sya yung nagpapakumbaba. Alam naman kasi nya attitude problem din ako. Kaya nga nagpapasalamat din ako sa Diyos na malawak ang pang-unawa ng kaibigan ko. Kahapon lang, nag-message sa FB. Nagtatampo. Bakit daw ganun? Dati kami yung close. Tapos ngayon palagi daw ako lumalabas kasama ng iba naming common friends. Hindi man lang daw ako nang iimbita. Nag-aaya nga ng lunch. Na-guilty naman ako.
Tapos hindi nya alam sinulat ko pa sya sa blog ko
Anong klaseng kaibigan ba ako? Alam ko naman concern lang sila sa akin. Lalo na ngayon na naiisip ko na yung kahalagahan ng pagkakaroon partner sa buhay. Kinakain ko na yung pride ko. Tama sila. Kailangan ko din ng lalaki. Tsaka kelan pa ako mahahalikan? Pag hindi na ako fresh? Ewan ko. Hindi naman ako pangit. At nakakaaliw daw ako kausap. Mahiyain nga lang.
Alam mo bakit ganun? Yung mga kaibigan ko pagka-break, months lang, may bago na ulit? Samantalang ako walang kwenta. Pero sabi ni Pepe, responsibility daw na hanapin. Gusto daw ni God na may kasama ako sa buhay. Ipag-pray ko daw. Actually, never ko pa pinag-pray na bigyan ako ng BF. Nito na lang past few weeks.
Gaano kaya ako katagal magpe-pray? Sana hindi matagal. Kasi bente ocho na ako. Lord, hindi po ako nagmamadali. Pero sana po bago mag 30. Actually BF pa lang ang gusto ko. Hindi pa asawa. LOL. Pero syempre yun ang pinaka goal ko – marriage. Basta pangako ko, mamahalin ko talaga yung ibibigay Nya sa akin. At hindi ko na pakakawalan pa. *Wink.