komersyal, tv, balita, pelikula

by sterndal on February 23, 2012

Natawa ako sa patalastas ng Bubble Gang. Ano ba yung tawag dun sa nagkakasal sa huwes?

Huwes: Pumapayag ka ba na palitan ang status mo from “single” to “married?”

Bride/Groom: Like po.

Hahaha! Na miss ko FB.

Natuwa din ako sa commercial ni Angelica Panganiban for Pantene. Forever na daw sila. Ang saya!

Hindi ko napanood yung pilot episode ng It Started With A Kiss sa channel 7 nung Monday. Brownout sa amin! Pero nakita ko din sa commercial. Gaya ng inaasahan, sablay ang dubbing. Hindi tugma yung boses. Ayos lang. Sanay na ako sa GMA.

Nainis ako dun sa isang commercial. Yung tinawag ng lalake yung babae. Sabi nya “hey come here.” Baliw yata yung writer. Sinong babae ang matutuwa tawagin ng “hey?” Sana pinalitan ng first name kunyari.

Kakilig yung commercial ng espiritu ng kabayo. Ang cute ni Ely Buendia. My forever crush!

Napanood ko din yung impeachment trial ni Corona. Nakakainip na yun ah! Tingin ko guilty sya. Tsaka ganyang may mantsa na yung pangalan nya, hindi na talaga sya pwede maging Chief Justice. Teka … alam ko ba yung sinasabi ko? Hahaha! Hayaan na nga sa matatalinong bloggers yan.

Movies naman tayo. Napanganga ako sa acting ni Anne Curtis sa No Other Woman. Ang galing. Sabi nya oh “… and don’t you dare fall in love with me.” Astig yun!

Tapos pinanood ko ulit yung Karnal. Lumang pelikula. Ang husay. Disturbing ang tema pero ang galing. Sabi ni Charito Solis “isang hakbang na lang, nasa impyerno ka na!” Ayos. Parang dito lang sa skwater. Isang hakbang na lang, nasa basurahan na ako.

Comments on this entry are closed.

Previous post:

Next post: