Nung bata pa sya

by sterndal on February 28, 2012

Hindi ko mapigilan matawa habang binabasa ko yung sinulat nya tungkol sa childhood memories nya. Bioman. Shaider. Fishballs. Planet op di eyps. NikNok. Funny Komiks. Dirty ice cream. Pompoms. Haha!

Maghapong maglaro sa kalye. Maligo sa ulan. Umakyat sa puno ng aratiris. Sunduin ng pamalo ng nanay! Sumali sa sagala at magsuot ng baduy na gown! Sumayaw ng Macarena kasama ng mga kalaro. Maglaro ng salagubang at gagamba. Manood ng Ultraman.

Lahat yan parte ng pagiging bata ko :)

At tama sya! May mga bagay na tuluyan ng nabura at hindi na maibabalik pa. Emo dude! Haha! Naiyak ako …

Parehas kame eh. Ako din kaya. I love Manila. Dito na ako pinanganak. Dito na ako nagdalaga. Dito na rin tumandang dalaga. Hahaha!

Maraming masasayang alaala. May malulungkot din. Dito ko sa Maynila nakilala yung mga forever friends ko. Hindi ko sila ipagpapalit kahit sa Paris! As if naman …

Basta. Dito sa Maynila umikot ang buhay ko.

Paco. San Andres Bukid. Malate. Intramuros. At syempre Tondo.

Na-imagine ko yung maliit na version nya. Yung blogger na nagsulat. Yung batang sya. Wala lang. Parang gusto ko sya yakapin at sabihing “ang cute cute mo naman!” Hahaha!

Comments on this entry are closed.

Previous post:

Next post: