Wala na. Ito na ang katapusan ng masasayang araw ko sa o.d.esk. Hahaha! Negative feedback ako eh. Nagsimula ang grade ko sa consistent 5. Perfect score. Tapos naging 4.9. Naging 4.6. At ngayon lumagapak sa 2.8. Ningas kugon.
Syempre gusto ko pa din sa o-desk. Maganda sistema nila dun. Hindi ako agrabyado. Okay ang rate. Okay ang oras. Ako lang naman ang hindi okay. Hahaha! Pasaway eh. Malamang sa grades ko, mahihirapan na ako makakuha ng matinong kontrata.
Kung tutuusin, ako lang din naman ang gumagawa ng mga problema ko. Kaya ako lang din ang makakasolusyon sa mga katangahan ko. Sa ngayon, hindi muna ako mag-a-apply. Hindi ko pa kasi alam kung ano ba talaga ang gusto ko???
Nitong January kasi naisip ko na hindi na ako masaya sa work at home. Parang hindi ito ang normal na buhay. Parang mali. Parang na-miss ko yung office life. Parang hinahanap ko yung yung pakikisama. As if marunong ako nun! Hehehe.
Inisip ko na mag office ulit. Pero matapos ang masalimuot na diskusyon with Pepe, napagpasyahan ko na hindi ko type ang maging office girl ulit. The best pa rin ang work at home. Gusto ko ngayon na seryosohin ulit ang freelance.
Sa tingin ko makaka-recover din ako. Mahihirapan nga lang. Bad record eh. Ang online job kasi ay based on trust and confidence. Hindi naman nila ako iha-hire dahil may talent. Iha-hire nila ako dahil may tiwala. Kaso sino pa ang magtitiwala???
Ito pa ang mas nakapagpa down sa akin. Meron nire-reto sa sa’kin yung kaibigan ko. Okay naman sana. Kaso yung guy ay very successful sa career. Tapos ako … eto … walang tinapusan. Walang narating sa buhay! Hahaha! Feeling ko magmumukha lang akong kawawa.
Comments on this entry are closed.