Wednesday, March 3rd, 2010...11:34 am
Tagalog na po …
Dahil sa kaartehan ko at pagiging trying hard, ambitious ba, ay pinagpilitan kong magsulat sa wikang ingles kahit hindi naman talaga ako matatas magsalita nun. Ayan tuloy, makalipas ang 10 buwan mula ng ginawa ko itong blog na toh, wala pang sampu yung nasusulat kong posts nyahahaha!. Mukhang hindi pa aabutin ng first anniversary eh matsutsugi na! Pahirapan talaga yung pagdedesisyon ko kung gagawin ko ng tagalog ito. Pero matapos ang limang minutong pag-iisip at pagmumuni-muni, napagpasyahan ko na tagalog na lng ang mga isusulat ko dito. Basta yung tatlong iba pa, english yun! Mi hindi ko nga matandaan kung saan ko nakuha yung pamagat nitong Manila Street. Buset. Basta nung bumili ako ng domain ay nagpapasa ako ng resume sa Jobstreet nun kaya bigla ko na lng naisip “ay ako din gusto ko merong street” kaya ayun. Wala lang, naisp ko lng. At tsaka, mabuti na din siguro ito, at least meron akong isang blog na hindi ko pwede i-submit sa PPP mwahaha! Baka naman masyado na akong yumaman nyan, wag ganun HIHIHI! Alam ko na, lalagyan ko na lng ng widget na language traslator dun sa sidebar. Meron na akong nakitang ganun sa ibang blog eh. Tsaka, parang wala namang nagbabasa nitong mga kasulatan ko dito kaya ayos lng kahit anong maisipan kong ilagay dito. Para mas masaya, iku-kwento ko na lng yung buhay ko simula nung pinanganak ako hanggang sa maging tao ako. Parang evolution ba HAHAHA! Ayan siguro naman makakapa-post na ako nang mas marami nito. Hindi ko na kelangang pag-isipan yung grammar at spelling, toinks! Sa totoo lng kasi, duguan na yung utak ko dun sa iba kong blogs! At least ngayon, tanggap ko na. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga friends kong bloggers ![]()
4 Comments
March 4th, 2010 at 11:20 am
una, meron ngbabasa ng blog na ito… ako at alam kong marami pang iba! pero okay lang kasi marunong din akong magtagalog kaya maiintindihan ko pa rin.
pangalawa, tutol ako sa sinasabi mong trying hard ka sa pag eenglish… ang galing mo nga e… kaya hwag ka nga!
pero sa tingin ko normal lang ang ganyang feeling kasi ako rin e nakakaramdam ng ganyan…… pag nagbabasa ako ng blogs ng mga blogger friends e e mejo napapahiya ako kasi super galing nila sa englishan. hiyang hiya nga ako pero lumipas na din ang hiya… ngayon makapal na mukha ko.
weno ba ngayon kung bako bako ang english ko, di ba?!? basta tuloy lang sa pagbloblog.
cheers!
March 4th, 2010 at 6:15 pm
Hala bigla naman akong nakunsyensya dito. hahahaha… meron din akong blog na tagalog at sa totoo lang… talagang ginawa ko un para sa mga moments na di ko maingles ang nasa isip ko. noong una ok naman… naaaliw ako… lalo na pag ayokong malaman ng asawa ko ang nasaisipan ko. sounding board ko rin un pag hindi ko maingles ang galit ko kaya nagiging therapy ko na un. Ngayong nabasa ko ito… biglang na kumbinsi mo naman akong magsulat na ulit don kasi un lang ang di ko napagtutuunan ng pansin at panay ang racket ko sa mga english blogs… tag-gutom eh.
well, congrats sa iyong desisyon… maganda ang humor mo so ituloy mo. ako rin… pag di ko nakalimutan .hahaha
March 8th, 2010 at 5:55 am
ang hirap naman. nahihirapan po kaming mga bisaya sa tagalog. ay naku nakapagtagalog na ako tuloy. hehehe… sayang naman tong manilaystreet.com, meron panamang potential para ma SEO to. manila street is a good SEO keyword.
April 18th, 2010 at 9:52 am
I always enjoy reading your blog.
Leave a Reply