Hari ng Tondo

Maganda ito!

The Asiong Salonga Story. Manila Kingpin. Gangsters in Manila. Mafia in Manila.

Love the trailer. Great actors. Nice black and white cinematography.

Live by the gun. Die by the gun.

Entry for Metro Manila Film Festival (MMFF)

Tama ba yung acronym ko?

Hehe.

Trailer pa lang panalo na!

Mahusay na artista si Baron Geisler. Pwede na sya ihilera sa mga bigating artista.

Pinaka magagaling na artista yung kinuha!

George Estregan – bilang Asiong Salonga.

Phillip Salvador

Ping Medina

Baron Geisler

Dennis Padilla

Joko Diaz

Dante Rivero

Jay Manalo

Roi Vinzon

Robert Arevalo

Perla Bautista

John Regala

OST: La Paloma by Ely Buendia lang naman! Gosh :)

Panonoorin ko talaga ang Manila Kingpin :) Para kasing Manila Mafia ang dating. Tapos kasali pa si Carla Abellana. Nag-improve na din yung acting nya para sa akin. Sana kumita sa takilya itong pelikula na ito. Collaboration ito ng mga pinakamahuhusay na artistang Pilipino, tangkilikin natin!

 

S diaries: seduces me


Haaay. Sya na talaga. Ang kabuuan ng aking mga pangarap …

Jang Dong Gun.

Una akong na in love sa kanya sa All About Eve. Ang husay nya kasing artista. Pag nag-deliver sya ng lines, hindi korni. Crush na crush ko talaga sya :)

Fave lines:

“What should you do? It isn’t complicated at all. All you need to do is look into my eyes, and walk straight towards me. Don’t look elsewhere.” *Blush*

“From now on, you can only like me and only think of me. I’m going to do the same.” *Rush heart beat*

“In the future, I’ll never make you say again “Let’s break up.” I promise.” *Faint*

The best talaga yung character na ginampanan nya sa AAE. Tungkol kasi yun sa isang babae na hindi maka get over sa first love nya kahit dumating na yung lalaking totoong nagmamahal sa kanya. Mabuti na lang at handang mag-antay sa kanya si Kenneth (JDG). Sya na ang luckiest girl in the world. San pa sya makakahanap ng ganyan? Hehe. After ten years, sila pa din ang best love team para sa’kin.

Tapos napanood ko ulit si JDG sa isang war movie. Axis of War yata yung title. Sobrang galing din ng pagkakaganap nya dun. Tungkol naman yun sa magkapatid na sundalo, bale si JDG ang gumanap na kuya. Ang lungkot ng story pero maganda. Yung kuya ay pumanig sa North Korea. Yung bunso naman sa South Korea. Tapos nagkita sila sa gera. Nakakaiyak :( Sinipon ako sa pelikula na yun promise.

Pasensya na kung naka yosi sya sa picture na yan. Naaakit lang kasi ako e. Na-emphasized yung ilong nya. Hamo na. Minsan lang naman ako lumandeh so pagbigyan na :P

Right now

  • Naasar ako sa Smart. Hindi na naman ako makatrabaho ng maayos. Napuputol yung oras.
  • Bumuti na nang konti yung pakiramdam ko. Maraming salamat sa epekto ng gamot.
  • Kaartehan number 1: hindi ako mabubuhay ng walang alcohol. Kaya dinalhan ako ng nanay ko kanina.
  • Kaartehan number 2: ayoko ng 40% solution na alcohol. Gusto ko 70%. Naasar tuloy nanay ko.
  • Bibili ako ng gift para sa birthday ng bespren ko. Yung new book ni Paulo Coelho na Aleph. Fan sya e. Syempre babasahin ko muna bago ko ibalot. Hehehehe.
  • Naisip ko may mga kaibigan na nakakalimutan na lang ako pag lipas ng panahon. Parang hindi nag-exist yung friendship namin. Pag kinasal ako (kung sakali man) hindi ko sila invite – kaartehan number 99.

Nagtataka ako sa blog entry ni Paulo:

The following prayer was found amongst the personal belongings of a Jew who died in a concentration camp:

Lord, when you come in Your glory, do not remember only the men of good, but remember too the men of evil.

And on the Day of Judgement, do not remember only the acts of cruelty, inhumanity and violence that they carried out,
but remember too the fruits that they produced in us because of what they did to us.
Remember the patience, courage, brotherly love, humility, generosity of spirit and faithfulness
that our executioners awoke in our souls.

And then, Lord, may those fruits be used to save the souls of those men of evil.

Source: http://paulocoelhoblog.com/2011/11/25/daily-message-134/

Naniniwala ba ang mga Jews sa Judgement Day? May nabasa ako dati sabi hindi daw? Mmm. Pero maganda yung message. Nalala ko si Anne Frank. Tsaka yung lola ko nung panahon ng mga Hapon. Sana wala na World War III.

Funny Yahoo Comments of the Day

News: Finally! Beyonce Reveals Her Wedding Dress from 2008 Nuptials

I’m glad she finally revealed her wedding dress. I could finally sleep at night! Lol

Finally??? Who was waiting?

Stock market is down, unemployment still a huge problem, a lots of foreclosures in US… oh wait THE DRESS!!!!! I can not believe it… I rest my case

Well, she’s not ugly, but her man…. just saying

FINALLY!! WE CAN GET TO CURING AIDS AND GETTING RID OF WORLD HUNGER BECAUSE THE MOTIVATION WE NEEDED WAS BEYONCE’S WEDDING DRESS PICTURES REVEALED YES!!… loll

mom???

WHO. THE HELL. CARES.

I feel so much better now that I saw the dress. I was wondering all these years about it. Guess we have nothing better to think about in this world

Thank you Beyonce and Yahoo for this critical piece of information. Now, the world is a much better place because of it!

Kinasal na pala si Beyonce? Watdapak.

Kilig moments :)

Ano ba yan. Tambak na ako.  Tapos nanonood pa ako ng Youtube.

Haaay.

Ni-hide ko na nga yung profile ko kasi nakakahiya lang e. Hehehe.

Meron akong napanood sa commercial.

Police officer: I am placing you under arrest.

Woman: On what charges?!

Sabay suot ng singsing sa kanya. Weeeh!

Eto pa, para lalo pa tayong kiligin :)

 

Yay! Ano ba yan di ako makatingin sa kissing scene. Baby pa kasi ako. Hahaha.

Work work work ulit. I’m so tired. Promise bukas, lakwatsa naman.

Singit

Nairita ako sa balita regarding tweet ni Anne Curtis. Binasa ko lahat ng side at lalo lang ako nairita. Favorite ko pa naman sya tapos wala syang manners. Tanga ba sya? Bawal talaga ang singit maski saan sya magpunta! Tsaka hindi isyu kung mas sikat sya sa ibang artista noh. Kapal naman nya. Hay naku dyan talaga nagsisimula ang gulo. Yung mga gustong mauna at hindi kino-consider yung mga taong kanina pa nag-aantay. Try mo kaya pumila nang matagal sa canteen tapos may sisingit. Tingnan ko lang kung hindi ka mainsulto.

Ah basta, gumugulo talaga ang buhay pag may gustong sumingit! Isa pa, parang tanga itong mga pans ni Anne. Pumatas naman kayo. Mali talaga yang maldita nyong idol nuh. Nyeta. Simpleng instruction hindi makasunod. Bakit sa Australia ba pwede ang singit ha? Sa Pinas lang yan. Kaya nga bulok ang sistema dito. Wala nang disiplina, wala pang respeto. Hehe. High blood. Sa NSO, pwedeng sumingit kapag senior citizens, pregnant women, at disabled people. Pero yung mga nagmamadali dahil may appointment pa, manigas kayo. Bwahahaha!