Soledad

Ganito pala yung feeling.

Ang sakit.

Ikaw ba naman, gusto ka daw maging kaibigan pero hindi ka na kinontak ulit.

Tingin ko kahit inuman ko pa ito ng “hard,” hindi rin maiibsan ang hapdi (drama!).

Kaya hindi na lang ako iinom.

Aantukin lang ako tapos pag gising ko, masakit pa ang ulo ko.

Mabuti pa magtrabaho na lang ako.

Pero ito ang kagandahan nyan (akalain mo, may benefits din pala?!),

ang babae daw na nasaktan pag nakabawi mas lalong gumaganda.

Maganda na ako eh tapos mas lalo pang gaganda?

Baka maglaway na sila sa akin nyan! (patay lasing na yata)

Hahaha!

Biro lang …

Pasasaan ba at lilipas din ito :)

Deactivated

Deleted na yung totoo kong account sa Facebook. Nakita ng tita ko yung virus na porn site :( Pati wall nya na-spam. Nagtatanong tuloy sila kung bakit ako nagshe-share ng ganung klase? Waaah! Nakakahiya. Ignore ko na lang sana kaso yung ibang tao, nagko-comment pa sila dun sa video.

Ikaw ha!

Ay virus ito!

Kamusta naman yun? Nag-message nga ako sabi ko dun sa 2 tao na ewan kung anong klaseng utak meron, paki-delete yung comment. Hindi naman nag-reply. Hay naku! Deactivate ko na nga lang. Tutal wala naman pakinabang yung FB sa akin. Nakaka lost time pa nga. Ang ginawa ko, ni-download ko muna yung mga pictures. Sayang din kasi. Tsaka pwede naman gumawa ng bagong account kung sakaling kailanganin ko. Yung pang pamilya na lang at close friends.

Tired of titles

7 billion na daw ang population ng mundo.

Ang dami.

Naisip ko, ilan ang lalaki dun?

Ilan ang single pa?

Ilan ang gwapo?

Haha.

Dati meron akong nabasa sa broadsheet.

Sabi ng mga scientist never daw nangyari sa history na mas maraming babae sa lalaki or vice versa.

Palagi daw balance.

Hindi daw nagkakalayo ang bilang ng lalaki at babae.

Sakto lang.

Sabi pa nila, it only shows that there is an intelligent Creator na nagbabalanse ng population.

Kaya nung sinabi ng kakilala ko na hindi daw naniniwala ang mga scientists sa existence of God, natawa ako.

Actually, na-amazed nga sila e.

Lately nga nabasa ko yung news sa yahoo.

Na-amazed din yung mga taga NASA sa discoveries nila about black holes ba yun tsaka mga bagong tuklas na planeta.

Sabi nila, there must be God.

Kasi daw napaka complex ng universe.

Imposible daw nag-form ito through random energy.

Ako din na-amazed.

Nga pala, hindi daw planet ang Pluto.

Akalain mo yun.

Teka mabalik lang ako sa population.

Siguro nasa mga 3.5 billion ang lalaki dun.

Aba, kung ganun, hindi ako mauubusan! Bwuahahahaha!

Kaso lang yung ibang babae gusto nila dalawa.

May mister na, may boypren pa.

Sabi nga “Daig ng malandi ang maganda!

Hoy, hindi ako ang nagsabi nyan.

Nakuha ko lang yan sa chismis board sa facebook. Haha.

Pero I think agree ako jan.

May kilala akong ganyan e.

Eto pa …

Yung dalawa kong kaibigan nag-uusap sa harap ko.

Sabi ni girl kay boy “basta ha, pag next year wala ka pang girlfriend, tayo na?

Sabi naman ni boy “sige”

Ako naman patay malisya

Kunyari walang narinig

Pero naisip ko, pwede pala yun???

Sabihin ko kaya sa crush ko “kung wala ka pang GF, tayo na ha?

Hahaha!

Parang hindi ko kaya.

Pero naisip ko din, gusto ko gumawa ng something outrageous bago ako mamatay.

Ewan ko …

Trabaho pa din!

Aaaaaah …

Actually, na-realized ko anjan lang ang trabaho.

Ewan ko …

Dapat sana naisulat ko yung emosyon ko nitong mga nakaraang linggo

Para documented kung paano magkaron ng crush si S

Kaso tinamad ako e

Pero ang goal ko talaga ay isulat lahat ng tungkol sa akin.

Para pag matanda na ako, babasahin ko tapos pagtatawanan ko yung sarili ko.

Ilang taon mo ba gusto mamatay?

Ako kasi 80 years old.

Tsaka panalangin ko na may pera ako nun para hindi ako maging pabigat sa mga junakis ko.

Oo naman. Gusto ko ng long life.

Sabi nga ng commercial sa TV “hindi sapat ang isang daang taon kung nasa piling ka ng nagpapasaya sa iyo

Naks! I love that Coke commercial

Tama naman di ba?

Hanapin mo daw kung anong magpapasaya sa iyo.

E hindi ko pa nahahanap.

Sana by 30, mahanap ko na sya.

Para meron pa akong 50 years para makasama sya.

Kung itutulot ng Diyos.

Syempre naman oo.

Gusto Nya akong maging masaya e.

Pero sa ngayon, siguro magtrabaho muna ako.

Yung kaibigan ko nasa SG, kinukuha yung resume ko.

Ipapasa daw nya sa company nila.

Ewan ko …

Dati gustong-gusto ko mag-abroad.

Ngayon, wala na sa puso ko yun.

Parang hindi ko na talaga gusto magtrabaho sa abroad.

Pero paano kung andun pala yung para sa akin.

Ewan ko …

Trabaho muna.

Confessions of an Old Maid

Nag-usap kami ng pinakamatalik kong kaibigan nung nakaraang linggo. Ganito ang takbo ng usapan:

Ako: Pepe, sa palagay mo saan ako mas magiging masaya? Single o may boyfriend?

Pepe: May boyfriend! Bakit may pumuporma na ba sa iyo? 

Ako: Wala. Pero meron akong crush.

Pepe: Crush?! (Tawa sya nang tawa).

Ako: Bakit mo ako tinatawanan?

Pepe: Para kasing hindi ako ang dapat kausap mo tungkol dito. Siya. (Sabay nginuso yung batang babae, 4-5 years old, sa kabilang table). Crush! Pang bata lang yan! Dapat sa iyo, ma-in love.

Ako: Paano kung ang destiny ko talaga ay maging single lang?

Pepe: Hindi ah! Tayong mga Katoliko responsibility natin na hanapin ang magiging partner natin sa buhay. Uulitin ko “responsibility!” Hindi ba alam mo naman yung 7 sacraments? Ano ang last?

Pepe ang tawagan namin ng bespren ko. Married na sya. High school pa kami magkaibigan at mahirap kaming paghiwalayin. Adopted Ballesteros na nga ako kasi palagi akong invited sa lahat ng okasyon sa pamilya nila. Traditional Catholic sila. Yung tipong every 6PM may Angelus sa bahay. Si M lang ang nakakaintindi sa mga kabaliwan ko sa buhay. Kaya naman nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng kaibigan na tulad ni pepe.

Ang totoo nyan, nayayabangan sa akin yung iba kong mga kaibigan kasi palagi kong sinasabi na hindi ko kailangan ng lalaki. Yung isa ko pang close friend, si J, ang favorite expression nya “lalaki ang kelangan ko tol! lalaki!” tapos sesegundahan ko naman ng “basta ako pera!” tapos magtatawanan kami. Sabi ni J sa akin masaya daw magkaboypren. May pag-ibig na, may libreng meryenda pa at kung ano-anong freebies. LOL. Luka-luka yun e. Pero minsan seryoso din kausap. Sabi nya sa akin:

Alam mo, mas mabuti pa na magkamali ka at masaktan ka kaysa hindi mo talaga maranasan magmahal at mahalin. Mas makikilala mo yung sarili mo. I swear!

Aba, nagkaboypren din naman ako ha. Online nga lang. Tipong chat-chat lang. Ganun. Ang buhay ko naman kasi talaga internet. Kaso para kasi sa mga kaibigan ko isa lang yun malaking JOKE. Hindi daw totoo yun. Kaya naman pag tinatanong ako kung nagkaboypren na ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka pagtawanan lang ako. Anyway, minsan kwento ko sa iyo yung mga love advice ni J. Alam mo matatawa ka. Dati sabi nya sa akin:

Ganyan talaga yang mga lalaki. Sa umpisa ituturing kang prinsesa. Susundin lahat ng layaw mo. Pwede mong awayin. Pwede mong sungitan. Naku maniwala ka. Susuyuin ka nun. Pero kung tatanga-tanga ka at sinuko mo agad ang “bataan,” patay ka! Kaya huwag mo agad ibibigay, sinusubukan ka lang nun!

Inang ko po! Basta umarangkada na si J sa usapang “bataan” tawa na kami nang tawa. Brutal kasi magpayo yun e. Sabi nya kabisado daw nya ang mga lalaki. Pero lahat ng sinasabi nya sa akin, tinatanim ko sa isip ko. Kasi alam ko naman na kahit pabiro lang yun, totoo lahat yun. Thankful din ako na kaibigan ko sya. Saan pa ako makakahanap ng girl friend na ang opening line palagi ay “ganyan talaga yang mga lalaki!” Hahaha!

Meron pa akong isang kaibigan. Si B. Super close kami nung high school. Tipong holding hands while walking pa kami. Kaso after ng high school reunion, dumistansya na ako sa kanya. Paiyakin ba ako? Kasalanan ko ba kung wala pa akong asawa? Sya kasi yung nag arrange ng blind date para sa akin dati. Oo nga! Andun na ako. Licensed architect. Mayaman. May kotse. Ang problema hindi ko type. Importante kasi sa akin yung physical attraction. Sayang daw kasi hindi ko binigyan ng chance. So, yun. Bad trip sya sa akin.

Ilang beses na kami nagka-friction ni B pero lagi kaming nagkakaayos. Sya yung nagpapakumbaba. Alam naman kasi nya attitude problem din ako. Kaya nga nagpapasalamat din ako sa Diyos na malawak ang pang-unawa ng kaibigan ko. Kahapon lang, nag-message sa FB. Nagtatampo. Bakit daw ganun? Dati kami yung close. Tapos ngayon palagi daw ako lumalabas kasama ng iba naming common friends. Hindi man lang daw ako nang iimbita. Nag-aaya nga ng lunch. Na-guilty naman ako.

Tapos hindi nya alam sinulat ko pa sya sa blog ko :( Anong klaseng kaibigan ba ako? Alam ko naman concern lang sila sa akin. Lalo na ngayon na naiisip ko na yung kahalagahan ng pagkakaroon partner sa buhay. Kinakain ko na yung pride ko. Tama sila. Kailangan ko din ng lalaki. Tsaka kelan pa ako mahahalikan? Pag hindi na ako fresh? Ewan ko. Hindi naman ako pangit. At nakakaaliw daw ako kausap. Mahiyain nga lang.

Alam mo bakit ganun? Yung mga kaibigan ko pagka-break, months lang, may bago na ulit? Samantalang ako walang kwenta. Pero sabi ni Pepe, responsibility daw na hanapin. Gusto daw ni God na may kasama ako sa buhay. Ipag-pray ko daw. Actually, never ko pa pinag-pray na bigyan ako ng BF. Nito na lang past few weeks.

Gaano kaya ako katagal magpe-pray? Sana hindi matagal. Kasi bente ocho na ako. Lord, hindi po ako nagmamadali. Pero sana po bago mag 30. Actually BF pa lang ang gusto ko. Hindi pa asawa. LOL. Pero syempre yun ang pinaka goal ko – marriage. Basta pangako ko, mamahalin ko talaga yung ibibigay Nya sa akin. At hindi ko na pakakawalan pa. *Wink.

Ang nawawalang alaala

Nag-meet kami ng mga classmates ko nung HS for dinner. Okay naman. Masaya. Nagpunta kami sa Mall of Asia. Meron dun parang mga mini-bars dun sa may tabing dagat. Dati pa ito. Now ko lang nalala. Kasi sabi nila nung first year daw, meron akong pinirmahang kontrata. Actually, nakakatawa yung kwento. Palagi kasing nag-aaway dati si Am at si Ba. Kaya para matigil yung madalas nilang sagupaan, verbal lang naman, gumawa sila ng kontrata na hindi na sila mag-uusap maski kelan. Tinawag daw ako ni Am para tumistigo. At pumirma naman ako bilang saksi. Tawa kami nang tawa nung pinag-uusapan namin yun. Pero hindi ko talaga maalala. Sabi pa nila, tuwing mag-aaway yung dalawa, pinapatawag daw ako para i-confirm na existing and binding yung contract. Wala naman yung legal bearing pero nakakatawa lang talaga. Pero bakit hindi ko malala? Sabi ko baka hindi ako. Pero lahat sila sabi ako nga daw ang saksi. Naisip ko tuloy siguro masyado akong nag-dwell sa sad memories kaya parang nakalimutan ko na yung happy memories dati.

Just wait, God is never late

Gusto kong isako ang sarili ko at itapon sa pinakamalalim na parte na dagat. Yung tipong wala nang makakakita sa akin. Nahihiya ako sa sarili ko sa mga katangahan ko.

I’ve always thought this person is maarte and all. Now, I came to know her in a completely different light and realized she’s got an amazing personality. At maka-Diyos pa. You know, the kind who believes in God, but won’t insist that you agree with what she believes in. For me, that is the most admirable trait an individual can ever possess.

Gusto ko yung ganung klase ng tao e. Kaya nyang panindigan yung pananampalataya nya pero alam din nya na dapat nyang irespeto yung pinaniniwalaan ng iba. Yun ang matalinong tao. Hindi makitid ang kukote.

After kasi nung episode ko with the “kulto” parang naglagay ako ng barrier with other religions. Parang I always have to defend my faith.

2 paragraphs deleted … wag na nga idetalye.

Actually, na-trauma ako sa kulto. Pero delete ko na lang. Hindi naman siguro lahat ng members ng so-called kulto na yun ay ganun kasama at ganun ka-walang logic. So for their sake and also my sake, I won’t elaborate.

Going back, this girl is like an angel. Dati ko pa siguro nakikita yun. Ayoko lang admit sa sarili ko na mabait sya kasi hindi kami friends.

Alam mo ba, for the past 13 years, iniiwasan ko sya? Para kasing meron kaming “friction” e. Wala naman kaming pinag-awayan. Basta feeling ko lang hindi ko sya makakasundo.

Ewan ko. Sabi ko pa sa bespren ko, “ang arte naman nun.”

Ngayon gusto ko isako yung sarili ko sa kahihiyan.

Bakit ba nire-resist ko itong tao na ito?

Sinita lang kasi nya ako dati sa isang maliit na bagay at since then, iniwasan ko na sya kaya hindi na nabigyan ng chance na maging magkaibigan kami. Tapos siguro na-sense nya na aloof ako sa kanya, kaya hindi na din nya ako kinaibigan. For more than a decade, komportable na ako na we will never be friends. Parang hanggang acquaintance lang kami talaga.

Tapos isang araw, hindi plano.  Nagkausap lang ng konti. And I instantly had this impression na she’s really a nice and intelligent person. Sweet and very mahinhin. And God-fearing, I must add. Ngayon, gustong-gusto ko sya maging friend. Kaso feeling ko it’s too late. Pano kami magiging magkaibigan? Marami na syang friends at hindi tugma yung lifestyle namin.

But God wants reconciliation, I just don’t know where to start. It took 13 years for me to have a short conversation with her. The conversation was short but I felt her sincerity. I think I am willing to wait another 13 years to start a friendship with her. Kung kasing buti naman nya, why not?

Eto pa, nakakatuwa. Nalaman ko lang kanina, sya pala yung secret love ng crush ko simula nung 15 years old ako! Nakakatuwa lang talaga. Sayang kasal na sa sibil. Sila sana nagkatuluyan …