August 7th, 2010
Isang mala-undas na pagbati
Natatawa ako sa pamangkin ko kanina, ayaw akong patulugin. Baby pa siya pero parang nakakaintindi na sa mga nangyayari. Sabi nga nga mga kapitbahay namin “matalino talaga si Ashtin!” Gusto niya kasing makipaglaro sa akin kaya pinipilit idilat ng maliliit nyang daliri yung mga mata ko. Todo smile siya kapag naalimpungatan ako. Lahat nga ng pag-iingay ginawa niya para magising ako. Kaso pagod na pagod talaga ako …
Nyeta kasi itong night shift na toh. Kulang na kulang ako sa tulog. Napa-absent pa tuloy ako nung Friday tapos sa darating na Monday birthday leave naman. So, suma total, bakasyon grande ako ngayon hehehehe. Tuesday pa ng gabi ang pasok ko ulit. Pero siguradong patay ako pagpasok ko … ayos lang
Ganito kasi yun. Thursday ng gabi, pumasok ako. Dapat uwi na ako ng 6AM ng Friday kaso lang magpapasa pa ako ng loan application ko para sa PAGIBIG dun sa HR namin. Wala akong pangregalo sa unang kaarawan ng pamangkin ko kaya desperate akong makapag-renew ng loan. Ang siste, di ko alam meaning ng siste, 8AM pa bukas ng HR so antay pa ako ng 2 hours. Buti na lang sinabihan akong mag-overtime ng boss ko. Kaso lng di pwede 2 hours, minimum 4 hours OT sa company namin. Kaya extend ako until 10AM.
Tapos ng OT, deretso naman ako sa HR para ipasa yung form. Kaso two weeks daw bago makuha yung check kung sila ang mag-aasikaso. Eh kung ako 3 days lang. Kaya sabi ko sige pa-sign na lang at ako na mismo ang maglalakad. Habang nasa shuttle, pinag-isipan ko pa kung sasakay na ako ng FX pauwi o LRT para deretso sa PAGIBIG branch. Pagod na talaga ako pero sayang ang araw.
Kaya ayun mga 11:30 na ako nakarating sa branch tapos pang number 98 pa ako sa pila. Mga 1:30 na ako natapos mag-file ng loan. Tapos nakauwi ako 3PM kasi traffic. Syempre nag-internet pa ako pag-uwi kaya bale mga 5PM na ako nakatulog. Ginising ako ng kapatid ko ng 8PM. Antok na antok ako. Hindi ako makatayo sa higaan. Kaya nung mga bandang 9PM na nag-text na ako sabi ko di ako papasok.
Hindi naman nag-reply. So malamang patay talaga ako sa Tuesday hehe. Ayos lng. Kapag yumaman ako sa odesk lalayasan ko agad sila bwahahahahahaha! Syet. Buti na lang Facebook ang kinahuhumalingan nila kaya walang chance na mabasa nila blog ko
Bago pa nga ako umuwi after ng OT kinausap pa ako ng boss. Warning ulit ako sa tardiness. Hindi ko nga mapigilan matawa kasi last time warning tapos warning ulit. Sabi nga ng officemate ko “alam mo, ang tindi mo! natatawa ka pa jan!” Akala ko kasi suspension na HIHIHIHI. Impernes kahit pasaway ako ang bait talaga nila sa akin
Dapat sa akin termination na eh hehehe.
Birthday ko nga pala ngayon. Kahapon yung handa. Lechon at pritong hipon. Walang bisita. Ayoko ng bisita. Tapos ngayon, pansit yata kasi pupunta high school friends ko. Pero ayoko din silang makita kaya after ko sulatin itong post na ito, te-text ko agad para inform na cancel na yung usapan. Ang kalat kasi ng bahay eh. Nakakahiya. Isa pa meron akong inaksep na contract sa odesk. Need ko magsulat today ng at least 8 articles about weddings. Nahihirapan na nga ako mag-ingles pero sayang yung 50 dollars. Isa pa, nag-apply ako ng Payoneer debit card. Pag na-approved yun, makukuha ko na yung pera ko sa Paypal. Gumawa din ako ng account sa Elance at dun sa constant-content dot com. Wala lang trip ko lang.
Gusto ko sana mag-celebrate ng kaarawan sa hospicio, dun sa bahay ampunan. Kaso wala akong pera. Para kasing maganda mag-share ng blessings sa mga bata o kaya sa mga matatanda na walang nag-aaruga. Na-inspire kasi ako sa officemate ko na palaging nagpapakain sa street children tuwing birthday niya. Lugaw at tokwa lang. Ang sarap daw sa pakiramdam. Pero gusto ko pag ginawa ko yun marami akong pera nuh. Kaya nga eto, kaliwa’t kanan yung raket ko. Sumali pa ako sa savvy surveys. Sana lang hindi scam yun.
So, ganito pala ang feeling ng bente syete anyos na babae. Wala naman. Normal lang. Kung nung 26 ako gusto ko kumain ng pan de sal sa umaga, gusto ka pa din ngayon. Teka muna, bibili lang ako ha. Mahirap na baka, maubusan eh …
Dadaa! I’m back with my pan de sal! Busog na agad ako kasi sa daan pa lang pauwi galing bakery nilantakan ko na. kaya kung sakaling nasagasaan ako ng sasakyan, ganito ang magiging headline sa mga tabloids:
“isang bente syete anyos na dalaga, nasagasaan habang kumakain ng pan de sal. patay!”
Hahahaha ang panget! Isa pa ang morbid. Bertdey na bertdey ko eh …
Naisip ko tuloy, ano ba talaga ang ibig sabihin ng birthday na ito sa akin? ANSWER: Wala! Katulad lang ito ng undas na taon-taon dumadating. Naalala ko tuloy yung araw na namatay ang tatay ko. Dumating kami ng kapatid ko sa ospital ng mga bandang alas diyes ng umaga para dalawin siya. Laking tuwa ko dahil sabi ng aunty ko, uuwi na daw siya. Kaya naman naguluhan ako nang ihatid nila kami sa morgue. Naintindihan ko agad yung ibig sabihin ng ‘uuwi na’ pero parang ayaw mag-register sa utak ko. Ayoko maniwala. Sabi nga nila eh in denial stage. Pero nung inalis yung takip na puting kumot, umiyak na kami.
Habang lumilipas ang mga taon na dinadalaw namin ang puntod niya, napapansin ko na nalilimutan din namin yung pakiramdam nung araw na yun. Minsan nga sabi ko sa kapatid ko, parang wala naman jan sa ilalim ng lupa si Daddy noh? Parang wala naman talaga kaming binibisita kundi isang nitso na kupas ang pintura. Pero hindi namin maramdaman na andun talaga siya. Kasi siguro katawang lupa lang naman iyon. Ewan ko. Pero yung best friend ko na namawalan na din ng magulang ay parehas kami ng naramdaman.
Parang ganun lang din ang birthday ko. Habang tumatanda ako, nalilimutan ko na ang tungkol sa mga birthday wishes etc. Parang nagiging pangkaraniwang araw na lang. Gusto ko sanang maging masaya sa araw na ito. kaso lang hindi ko alam kung paano. Ang ideya ko kasi ng “fun” ay mag-internet maghapon. O kaya matulog. Birthday wish ko? Sana makakuha ako ng magandang offer sa odesk …
